
Thea Tolentino, “Ashley” in ‘The Half Sisters’ portrays her character effectively; Teleserye fan took the plunge to confront her in their place
by Ruben Marasigan
Mula sa dapat sana ay one season lang na pag-ere ng ‘The Half Sisters’, na-extend ito nang na-extend. Ngayon ay going 9 months na sa ere ang nasabing top rating afternoon soap ng GMA 7 kung saan bida sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Andre Paras, at Thea Tolentino.
“Siyempre masaya na extended ulit ang show namin!” masiglang bungad nga ni Thea nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa Sunday All Stars.
“Hindi namin inakala. Dati parang… last 9 taping days na lang, gano’n. Tapos biglang na-extend nang na-extend at biglang naging 9 months.”
Kontrabida ang role ni Thea.At sa sobrang kamalditahan ng kanyang character bilang si Ashley na kapatid ni Barbie, may mga viewers na nagiging hate na siya talaga to the point na may mga nang-aaway na sa kanya.
“May pumunta pa nga sa electronic shop
ng family namin sa Calamba. Tapos sabi… siya ba si Ashley?
“Parang gusto raw niya akong sampalin o suntukin!” sabay tawa ng young actress.
“Siyempre hindi mo naman puwedeng patulan, di ba? E sa akin naman, effective pala ‘yong performance ko bilang si Ashley.”
Malaki na nga ang naging improvement niya kung acting ang pag-uusapan. Nakatulong daw talaga na sumailalim siya sa mga acting workshop.
“Nag-take din ako ng personality development kailan lang. Naniniwala ako na bilang artista, you should never stop learning at tuloy-tuloy lang ang pagdi-develop mo sa talent mo.”
Kahit napapabalitang nagkakamabutihan na sila ni Mikoy Morales, career pa rin daw ang gustong i-prioritize ni Thea.
“’Yon naman ang dapat, di po ba? Sabi nga ng parents ko, okey lang naman daw na magkaroon ng love life. Basta huwag lang daw masyadong maki-carried away kasi bata pa ako. Kaka-eighteen ko lang po.”
Nasaang estado na ba ang pagtitinginan nila ni Mikoy?
“Hindi ko po alam kung ano ba ‘yong eksaktong term na puwede kong sabihin.
“Parang MU po kami. And… okey na muna po ‘yong gano’n.
“Minsan, lumalabas po kami. Kadalasan ang gimik namin… kumain.
“Happy naman ako sa company ni Mikoy. Kung anuman ‘yong meron kami sa ngayon, ini-enjoy lang namin.
“Basta ayoko pa munang magpakaseryoso kung relationship ang pag-uusapan. Trabaho muna talaga.
“Marami akong pangarap na gustong matupad. Ito muna ang pagpupursigihan ko,” panghuling nasabi ni Thea.