
Gretchen Barretto looks back on how unnoticeable she was as an actor and expresses gratefulness of today’s turn of events
Nag-tie sina Gretchen Barretto at Sylvia Sanchez bilang Movie Supporting Actress of the Year sa katatapos na 31st Star Awards For Movies na ginananap sa The Theater ng Solaire Hotel kagabi, Linggo, March 8. Ito ay para sa parehong mahusay nilang pagganap sa pelikulang the Trial kung saan bida si John Lloyd Cruz.
Emosyonal si Gretchen sa kanyang acceptance speech. Avut-abot ang kanyang pasasalamat sa bumubo ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na siyang nasa likod ng Star Awards.
Kuwento pa nga ni Gretchen… “Alam n’yo po no’ng ginagawa namin ang The Trial, sabi ko kay Sylvia… ang hirap namang gawin nitong pelikulang ito.
“Puro iyakan. Lahat na lang yata ng emosyon, hinugot na sa akin.
“Lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, talagang kinailangan kong gamitin.
“Sabi ni Sylvia sa akin… Guapa, worth it. Mananalo ka rito.
“Nagdilang anghel si Sylvia. Kaya may utang ako sa kanyang dinner!
“Alam n’yo po, nag-umpisa ako ng pelikula… ‘yong ‘14 Going Steady’ no’ng 1984. Si Mother Lily (Monteverde) po ang nag-discover sa akin.
“Kailan lang po ako nag-umpisa na ma-recognize bilang artista. Naging child actress ako pero hindi naman ako na-notice.
“Naging ST Queen din po ako. Hindi ko po… I don’t regret that time.
“Pero no’ng bumalik po ako sa pag-aartista, sabi ko… Lord isang award lang. Para naman makabawi,” maluha-luhang sabi pa ni Gretchen.
“So I thank God for all the blessings. If not for God and Our Lady of Perpetual Help.
“Kaya maraming-maraming salamat.
“Star Cinema, maraming salamat. Boy Abunda, maraming salamat.
“Tita Malou Santos, maraming salamat.
“Of course I’ll never forget my inspiration… Tony Boy (Cojuangco), and my only daughter Dominique who’s in London.
“Dapat po aalis ako no’ng March 4 to visit her in London. Pero hiniling ko sa kanya kung puwedeng nandito ako for this award.
“Sabi ko, baka makatsamba. So maraming salamat, thank you Dominique.
“It’s the first time na ma-nominate ako dito sa Star Awards For Movies at manalo,” maluha-luhang sambit ng aktres.
“Because the last time was for Star Awards for Television. So nanalo ako ng… I think twice or three times sa Star Awards for TV.
“To be honest, kumakabog ang aking dibdib bago ini-announce ang best supporting actress winner.
“Para akong kakanta sa isang theater!” natawang biro pa niya.
Pero hindi na naman nga siya first timer kung pananalo ng acting award ang pag-uusapan. Bakit nakakaramdam pa rin siya ng kaba?
“Talagang nakakakaba!” natawa na naman niyang sagot.
“A… excited also.
“Masaya kapag napupuna ang ating hirap, ang ibinibigay nating dedication sa ating craft. It’s always nice.
“Mas nagiging inspiration ko na… maging mas mabuti. I mean to be a better actor for everybody.
“Not only for everybody. But for myself.
“And… for Tony (Boy Cojuanco) and Dominique (her daughter) to be proud,” sabi pa ni Gretchen.