May 23, 2025
Gretchen Barretto refuses to give comments about niece Julia’s debut; Flies to London to celebrate birthday of daughter Dominique
Latest Articles

Gretchen Barretto refuses to give comments about niece Julia’s debut; Flies to London to celebrate birthday of daughter Dominique

Mar 10, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

Forever stand-out ang beauty ni Gretchen Barretto sa anumang showbiz function na kanyang puntahan at masasabi ding deserving siya for a Star of The Night award sa 31st PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa The Theater ng Solaire Hotel dahil sa kanyang bonggang white gown na gawa ni Inno Sotto. Pero mukhang mas may bonggang award na nakalaan talaga kay La Greta dahil isa na namang Best Supporting Actress trophy ang kanyang tinanggap para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang The Trial ng Star Cinema. Naka-tie niya rito ang magaling ding aktres na si Sylvia Sanchez for the same movie.

Gretchen Barreto 02

Gretchen Baretto 03After niyang umakyat sa stage ay nakausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) at inusisa naman ang tungkol sa debut ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto. Unfortunately, hindi siya pala makakarating dahil lumipad siya the following morning papuntang London para dalawin ang anak na si Dominique.

“Aalis ako tomorrow morning, first flight. Nasa airport na ako at five in the morning. I have to celebrate with my daughter and my friends also. Meron kaming rule sa bahay na kapag may birthday, parang it’s a month-long celebration,” pahayag pa ng napakagandang si Greta.

Halatang ayaw na rin niyang pag-usapan ang tungkol kay Julia kaya nakiusap ito sa press na huwag na siyang tanungin pa ukol dito.

“I don’t want to talk about it. I demand respect. Tonight is my night. The birthday of Julia will be her night. Let’s give it to her and let’s give it to me.”

Pero nagbigay pa rin ito ng mensahe para sa pamangkin.

“[I wish her] Long life, good career, matatag na puso at kapal ng mukha na kailangan natin sa industriyang ito. Iyan ang meron ako na gusto kong ipamana sa kanya. Hindi lang para kay Julia kundi para sa lahat ng kabataan ngayon, kailangan talaga natin maging matatag,” sey ni Gretchen.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply