
Quotable Quotes of Some Star Awards for Movies major winners
Sa katatapos na 31st PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa The Theater ng Solaire Hotel and Casino noong Linggo, March 8, tumatak sa karamihan ng mga sumaksi sa nabanggit na gabi ng parangal ang mga nasabi nina Nora Aunor, Piolo Pascual, at Sylvia Sanchez.
Heto ang quotable quotes mula sa kanilang mga acceptance speech…
Nora Aunor (Movie Supporting Actress Of The Year – Dementia)
“Ilang taon na ba akong hindi nanalo? Siyam? Sampu?
“Ngayon lang ako ulit nanalo ng Best Actress sa Star Awards. Kaya nagpapasalamat po ako sa kanila.
“Salamat po sa lahat ng mga fan, na… hindi ako magsasawang uulit-uliting sabihin sa kanila na kahit anong mga masasamang balita na nalalaman nila at nate-text sa kanila, nandiyan pa rin po sila at hindi naniniwala.
“Pero meron din pong isang maliit na grupo rin na… hindi umaayon sa kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan.
“Pero ito lang po ang sasabihin ko… bago ho kayo mamintas ng kapwa ninyo, tingnan n’yo muna ang sarili ninyo. At baka kayo ho ang buweltahan.
“Sa mga fan naman po na hanggang ngayon ay naniniwala at nagtitiwala po sa akin, bukod po sa paggawa ng katulad sa napanalunan ko ngayon… ang ‘Dementia’, asahan n’yo po na sa mga susunod na paggawa ko ng pelikula ay gagawin ko ang lahat para makagawa po ng mga pelikulang kapupulutan ng arala at hindi ninyo makakalimutan hanggang sa mahabang panahon.
“At isa lang po ang sasabihin ko… may isang nasa Itaas. Ang ating Panginoon na nakatingin sa lahat sa atin dito sa mundo.
“At siya po ang higit na na nakakaalam sa lahat ng mga nangyayari sa isang tao.
“Kaya huwag ho kayong malulungkot sa kung ano ang nababalitaan ninyo. Sapagkat darating ang araw na Siya ho ang magpapatunay kung ano ang totoo at kung ano ang hindi.
“At kahit hindi ninyo ako nakakausap, nandito lang po ako. Kahit anong mangyari po, walang iwanan.”
Piolo Pascual (Movie Actor Of The Year – Starting Over Again)
“Hindi po biro itong trabahong pinasukan natin. Kaya masayang-masaya po ako dahil kahit papano, isa po ito sa mga masasabi nating hindi nababayarang karanglan na nagpapatatag sa atin bilang artista at bilang tao.
“Sa aking nanay, sa aking dakilang ina na nagsabing mananalo daw ako tonight kaya ako nagpunta. Sa aking pamilya, sa aking kapatid na talagang aking inspirasyon.
“Sa aking anak (Inigo Pascual) na inaasahan ko sanang manalo (bilang New Movie Actor Of The Year) para maganda sana itong gabing ito dahil kung manalo man siya, isi-celebrate namin together.
“Nanalo naman siyang Face Of The Night.
“Si Tito Robert (Arevalo) alam ko na mas deserving sa akin na manalo. Pero aangkinin ko po ang award na ito kasama ko po si Lloydie (John Lloyd Cruz) na talagang hinahangaan kong artista.
“Of course my Star Cinema family… for more than fifteen years, almost twenty years ko po sa Star Cinema. Tita Malou (Santos), thank you for the trust and the mutual love we have for each other.
“Of course si Inang… Direk Olive Lamasan. Alam n’yo po, nagkatampuhan kami bago magawa itong pelikulang ito.
“Kaya it took sometime bago kami makagawa ng pelikula. Inang, thank you for not wavering and for setting aside your tampo at sa paggawa ng pelikulang ito.
“Na kahit na ipinaglaban natin ang ending, at least na-prove natin na mas maganda pa rin na gulatin natin ang mga tao
“And of course si Ms. Toni Gonzaga na talagang kung wala po siya ay hindi magiging effective ang performance ko sa pelikula. I share this award with you.
“And of course PMPC, hindi man ako laging nagpapasalamat sa inyo… taus-puso po at talaga namang malaking pagpapakumbaba po para sa akin para tanggapin ang isang pagkilala ninyo sa akin bilang isang artista.
“So maraming-maraming salamat po sa inyo. After all these years, like what I said… hindi po press ang turing ko sa inyo kundi bilang mga kaibigan, bilang mga kapamilya.
“I’m looking forward to growing old with you guys.”
Sylvia Sanchez (Movie Supporting Actress Of The Year – The Trial)
“Tinanong ko si Direk Chito na… bakit ako ang kinuha mo bilang tomboy.
“Sabi niya… kasi no’ng kami raw ay nagsasama, ang siseksi daw namin. Ako daw ang nangingibabaw at kakaiba kasi ako raw ‘yong lalakeng maglakad.
“Ako raw talaga ‘yong sabi niya… tomboy. That was 1991 or 1992 na ginawa namin ‘yong movie ‘Lasong Damdamin’.
“Gusto ko lang pong ma-share sa inyo, nagbunga ‘yong pagsuot ko ng brief sa pelikulang ito!
“Totoo po ‘yon! Kay Aiza (Seguerra)… ‘nak, salamat sa bra na pang-tomboy. Kasi siya talaga ang nagturo sa akin at nilapitan ko.
“Sabi ko… tulungan mo ako. Wala akong ibang malalapitan.
“Eksakto, mag-ina kami sa Be Careful With My Heart. So araw-araw sa buhay naming dalawa… kung hindi niya ako nasa likod, basta siya ang ginagaya ko pati ‘yong lakad niya.
“Si Aiza ang naging peg ko dito. Kaya… Aiza anak, panalo tayo!
“And of course gusto kong i-share itong award na ito kay Gretchen. Kasi kaming dalawa sa set, iisa ang tent namin.
“Sabay kaming kumain. Wala kaming ginawa kundi ayusin ang pagganap namin.
“Nagsasabi si Gretchen na… tamang-tama ito para sa akin. Sabi ko… lahat ng sama ng loob mo, dito mo ilabas.
“Masarap magtrabaho kung ‘yong artista kasundo mo., may rapport kayo. Suwabe’yong resulta ng trabaho.”
Mapapanood ang delayed telecast ng 31st PMPC Star Awards For Movies sa March 22, Linggo, sa Sundays Best ng ABS CBN.