June 15, 2025
Nora Aunor to her detractors: “Look at yourselves in the mirror first before you judge others.”
Latest Articles

Nora Aunor to her detractors: “Look at yourselves in the mirror first before you judge others.”

Mar 13, 2015

oghie@ignacio
by Oghie Ignacio

19Walang pakialam ang superstar na si Nora Aunor anuman ang maging reaksiyon ng mga tao sa kanyang attire sa pagpunta sa isang showbiz gathering o kaya’y pagdalo sa gabi ng parangal tulad ng nakalipas at matagumpay na “31st PMPC Star Awards For Movies” kung saan wagi siya ng “Movie Actress Of The Year” para sa kolaborasyong indie film nila ni Direk Perci Intalan na “DEMENTIA”.

Simple’t tipikal na superstar kasi ang humarap on national television na naka-leather jacket, nakamaong pants at boots ang kanyang attire na umani ng pamimintas at batikos sa kanyang detractors. Bagay na hindi naiwasang magpasaring ang aktres sa kanyang acceptance speech na nasaksihan ng PSR.

Maraming salamat po sa PMPC Star Awards…parang ang tagal ko nang hindi nananalo rito,” bungad niya. “Ilang taon na nga ba? Mga sampung taon na ‘yata. Kaya naman ngayon masayang-masaya po ako. Du’n naman sa mga namimintas at nagti-text ng kung anu-ano para lang maghusga, sana po tingnan n’yo muna ang sarili n’yo sa salamin bago kayo maghusga ng inyong kapwa. May isang grupo kasi na ano…alam n’yo na,” malumanay na sambit pa ni Bulilit na ikinasorpresa ng mga taong naroon sa Awards Night na nabanggit maging ng kanyang Noranians Nationwide na todo suporta sa kanya.

‘Yun ang pang-apat na parangal ng nakamit ni Nora para sa “Dementia” dahil una niyang napanalunan ang “Gawad Tanglaw” at sinundan nga ng “PMPC Star Awards” at sa April 11 ng taong ito’y dalawang tropeo mula sa pambansang samahan ng dalubguro headed by Prof. Emmanuel Manny Gonzales ang makakamit ng superstar para sa “Annual Gawad Pasado” dahil waging “Pinakapasadong Aktres Ng Taon” si Mama Guy para sa indie films niyang “Hustisya” at ang unang binanggit.

10603313_830463796994099_6049123911517836656_n

Ibig sabihin ay nakatabla mismo ni Nora ang kanyang sarili kung saan hindi nakalusot ang iba pang nominees na tulad nina Aiko Melendez (“ASINTADO”), Shamaine Buencamino (“Alienasyon”), Eugene Domingo (“Barbers Tales”), Irma Adlawan (“EDNA”), Eula Valdez (“Dagitab”) at Angelica Panganiban (“That Thing Called Tadhana”). Lumalabas sa resulta’y Nora VS Nora kaya first time na naman sa history ng alinmang award giving bodies sa ating bansa ang nangyari kay La Aunor na waging “Best-Actress” sa magkaiba niyang obra.

“Siyempre, una kong pinagpapasalamat sa Itaas ang karangalang ito. Sa mga nagmamahal nating fans na hanggang ngayon ay nandiyan at nakakaunawa sa atin. Kahit pa maraming hindi magagandang nasusulat at nababasa nila tungkol sa akin…hindi nila ‘ko pinababayaan at hindi sila naniniwala. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat,” sey pa nito.

“Basta ang sa akin lang po, tanging Diyos ang siyang nakakaalam ng lahat ng mga nangyayari sa atin dito sa lupa. Alam niya ang totoo. Kaya anuman ang mangyari kahit ano pa ang sabihin nila bahala na ‘yung nasa Itaas. Sa mga nagmamahal nating mga kaibigan at sumusuporta sa akin mula pa noon hanggang ngayon, masasabi ko lang sa kanila na…walang iwanan,” madamdaming pahayag pa nito.

“Gaya ng lagi kong sinasabi, hanggang may gusto pang manood ng mga pelikula ko at hangga’t nariyan sila para suportahan ako, hindi ako titigil sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula na hindi makakalimutan ng mga tao. Para sa kanila gagawa at gagawa pa rin ako ng mga pelikula,” dagdag lahad pa ng legendary icon.

Pagkatapos ng acceptance speech ni Mama Guy ay sinundan namin siya sa back stage at nagkaroon ang PSR ng pagkakataong makausap siya kahit panandalian lang dahil papaalis na nga ang internationally & locally award winning actress kung ano pa ang dapat abangan ng kanyang mga tagasubaybay ngayong 2015.

“Sa last week nitong March ay mag-uumpisa na’ko ng bagong indie film. Bale sa Bikol mismo ang setting dahil Bikolana ang aking role. Maganda siya, title nu’ng movie ‘e, “Hinulid” at bagong direktor din ang makakatrabaho ko,” nakangiting sabi pa nito.

Desidido rin ang superstar na makaalis ng bansa papuntang Boston U.S.A. bago matapos ang taong ito ng maipaopera na niya ang kanyang lalamunan upang maibalik na ang kanyang golden voice na matagal ng hindi naririnig. At sa tulong nina King Of Talk & Queen Of All Media na sina Boy Abunda at Kris Aquino na nagboluntaryong magbibigay ng kanilang financial support para kay Nora’y tiyak na matutupad ang minimithing ‘yon ng singer/actress.

Follow me

facebook-iconoghie.ignacio

Leave a comment

Leave a Reply