May 24, 2025
“Alex Gonzaga means so much to me. She completes me.”-Kean Cipriano
Latest Articles T.V.

“Alex Gonzaga means so much to me. She completes me.”-Kean Cipriano

Mar 12, 2015

arseni@liao

by Arsenio “Archie” Liao

kean and alex

Bilang musician, malaki na ang napatunayan niya bilang lead vocalist ng Calla Lily.

Bilang actor naman, napansin na rin ng galing niya sa mga pelikulang “Ang Babae sa Septic Tank”, “English Only Please” at marami pang iba.

Nakagawa na rin siya ng mga television projects, pero para sa kanya, espesyal si Alex Gonzaga sa mga nakatrabaho niya.

Bakit itinuturing mong espesyal si Alex sa lahat ng mga leading ladies na nakatrabaho mo?

“Ever since kasi, naging part ako ng journey niya. Nagkatrabaho kami as a love team at nasaksihan ko iyong pag-grow niya as a person and as an artist. It’s kinda fulfilling pala na maging part ka ng success ng isang tao that mean so much to you”, pahayag ni Kean.

Would you say Alex defined or redefined your career as an actor?

Kean 2“She is part of the definition of my whole career. Ang suwerte ko nga na ngayon kasama ko siya. She completes me”, makahulugang pahayag ni Kean.

Bakit sa palagay mo ay nag-cli-click ang inyong tambalan ni Alex?

“We respect each other. Malaki ang respect namin sa isa’t-isa. Maayos siyang katrabaho. Magaling siyang artista. Maayos siyang kausap. Pakiramdam ko, kapag kasama ko siya, meron kaming dynamics at rhythm na nagja-jive”.

Ano ang common interests ninyo ni Alex?

KEAN“We talk a lot. Kagandahan niyan, si Cathy (Alex’s real name) ang nakapagpapatahimik sa akin. She has her own way to make you turn around and listen to what she says. Iyong pakiramdaman mo na when she talks, everybody listens. Iyong sense of humor naming dalawa ay parehas dahil magkapareho rin kami ng wavelength”, bida niya.

Singer-composer ka, if you were to compose a song for Alex, what would it be?

“Ang magiging topic siguro, would be knowing someone for a long time and still being with her,”matalinhaga niyang sagot.

Muntik nang maging kayo before, posible bang this time around, kayo na ang magkatuluyan?

“Pag nilagyan mo kasi ng romantic aspect iyong relationship namin sa ngayon, it might not work. Pag na-distract kami with our emotions involved, baka hindi pa siya maging maganda. We’re happy with our relationship now. Whatever happens in the future, it’s like I’m diving into the unknown and perhaps I’ll just let fate take its own course kung kami ba talaga”, pagwawakas niya.

Si Kean Cipriano ay isa sa mga leading men ni Alex Gonzaga sa “Inday Bote” , ang pinakabagong fantaserye ng hatid ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na mapapanood na simula Lunes (Marso 16) pagkatapos ng TV Patrol.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply