
“Don’t waste words on people who deserve your silence. Sometimes the most powerful thing you can say is nothing at all. “ — Alyanna Martinez
Sa kabila ng mabigat na pinagdaraanan ng pamilya ng aktor na si Albert Martinez dahil sa pagpanaw ng asawa nitong si Liezl Martinez dahil sa sakit na cancer ay marami pang mga issue na naglalabasan. Isa na rito ang paglalabas ng sama ng loob ng beteranang aktres at ina ni Liezl na si Amalia Fuentes dahil sa pambabalewala diumano sa kanya bilang ina at sa dati nitong asawa na si Romeo Vasquez sa cremation ceremony ng unica hija nilang si Liezl sa Arlington noong March 16..
Kinabukasan ay isang controversial post naman ang kumalat sa social media kung saan ay naglabas naman ng saloobin ang panganay na anak nina Albert at Liezl na si Alyanna Martinez tungkol sa ‘false rants’ ng isang tao na din naman niya pinangalanan. She broke her silence and posted sa kanyang Instagram na @alyannamartinez noong March 17. Nagpahayag ito na mayroon daw mga taong nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang yumaong ina at sa kanilang pamilya.
Post ni Alyanna sa kanyang IG account na umani ng maraming komento…
“Believe what you want. “Actions speak much louder than words. “A flat out lie will ALWAYS be a lie. “And the truth will ALWAYS be the truth no matter what. “My mother is no longer around to defend herself so I delegate that task to myself now. “If you truly love a person, you don’t destroy them. Living and/or dead. “Enough said, God will have the final judgment at the end and our ENTIRE clan can rest in peace knowing the truth and not all the malicious attention seeking lies being spread around. “You don’t know the whole story so don’t judge based on the false rants of one single person against a whole room of people who truly and deeply love my mother with all their hearts and not just for show.”
Bukod sa Instagram post na ito ni Alyanna, muli itong nagbahagi ng isang makahulugang mensahe sa kanyang Instagram.
“Don’t waste words on people who deserve your silence. Sometimes the most powerful thing you can say is nothing at all. “ Kalakip ng Instagram quote na ibinahagi ni Alyanna ay ang caption na nagsasabing: “Love and respect is earned. Not a right.
Early this morning ay nag-post muli si Alyanna ng larawan nilang magkahawak-kamay ng ina. Sabi sa isang bahagi ng caption ng naturang larawan:
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9