May 24, 2025
On the possibility of getting back together with her ex-boyfriend JM De Guzman: “Everyone deserves a second chance.” – Jessy Mendiola
Latest Articles

On the possibility of getting back together with her ex-boyfriend JM De Guzman: “Everyone deserves a second chance.” – Jessy Mendiola

Mar 19, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

JESSY-Mendiola Inamin ni Jessy Mendiola kay John “Sweet” Lapus sa guesting niya sa online show nito na “Korek Ka John!” na muli siyang nililigawan ng ex-boyfriend niyang si JM De Guzman .

“Ang hirap!” sagot ni Jessy nang tanungin siya ni John kung ano na ang real score between her and JM.

Bago ang muling panliligaw ni JM kay Jessy, ay namataan muna silang magkasama na nanood ng pelikula ng aktor ang,- “That Thing Called Tadhana”. Niyaya kasi ni JM si Jessy para panoorin ang pelikula nila ni Angelica Panganiban. Nagkataon namang walang lakad that time si Jessy kaya pinagbigyan niya ang paanyaya ng dating karelasyon.

Hindi na nasundan ang panonood ng dalawa dahil naging busy na sila sa kanilang respective schedules dala ng kani-kanilang career. Pero nagpapadala naman ng flowers si JM kay Jessy at pinapadalhan din nito ang ina ng aktres ng sea food. Isang katibayan na muli ngang sinusuyo ni JM si Jessy.

Sa tanong na kung may maaasahan ba ulit sa kanya si JM, kung magkakaroon ba ng part 2 ang dati nilang relasyon, ang tanging nasabi ni Jessy ay: “May chance kasi everyone deserves a second chance. Kung sa beauty pageant nga pang third time pwede.”

jm-jessy

Bukod sa guwapo si JM, ang isa pang ikinahanga ni Jessy sa kanyang ex ay ang pagiging humble nito.

“Hindi niya alam na artista siya, ‘yun ang maganda sa kanya. Pag dating niya, iba yung dating ng presence niya. Pero hindi siya tulad ng iba na yung dating na mayayabangan ka. Hindi mo maiisip yung parang, ‘ang hirap naman lumapit dito’. Kay JM iba yung mararamdaman mo. Napaka-down-to-earth niya kasing tao. Pag andiyan siya, ang sarap kausap, ang sarap i-approach, ganun,” papuri pa ni Jessie kay JM.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply