May 24, 2025
“Practice etiquette in journalism and credibility will follow.” – Luchi Cruz Valdes
T.V.

“Practice etiquette in journalism and credibility will follow.” – Luchi Cruz Valdes

Mar 19, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

Simula nang maging bahagi siya ng TV5 noong 2009, marami siyang naging ambag na maituturing na mahalaga sa larangan ng pagbabalita. Siya ang mapanlikhang utak sa likod ng mga premyadong news at public affairs programs, sa kauna-unahang 24/7 all-news channel sa free TV at sa pinag-uusapang Rescue 5, ang Emergency response unit ng TV5 na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng sakuna at kalamidad na inaaksyunan ora mismo.

16
Sa loob ng humigit-kumulang na 30 taon niya sa larangan ng pamamahayag, nakapagtrabaho na siya sa mga pinakamalalaking networks sa bansa kung saan nahasa ang kanyang galing sa pangangalap at pag-uulat ng mga balita.

Siya rin ang naging guro ng ilan sa mga pinagpipitagang pangalan ngayon sa pamamahayag at isa sa mga orihinal na nagtayo ng Probe Productions na nag-prodyus ng mga bantog na mga documentaries na kinilala ng iba’t-ibang award giving bodies. Siya rin ang tumanggap ng eksklusibong Titus Brandsma award for excellence in broadcast journalism, ang pinakamataas na karangalan na iginagawad ng Vatican-endorsed Catholic Mass Media Awards.

32
Bilang isang batikang journo, ano ang maipapayo mo sa mga baguhang mamahayag?

“Siguro, magpalaman muna sila. Practice journalism principles. Don’t yield to the desire to be the first. Iyong speed minsan ng pag-pick up, it would leave you to inaccuracies na puwedeng makaapekto sa kredibilidad mo. Strive also to be more than just a byline,”ayon kay Luchi.

“In this day and age, wala na ring exclusive. Exclusive ka lang for 3 seconds, pero pagkatapos noon, for all you know, na-pick up na rin ng kabila iyong balita mo at doon nag-iiba ang laro. Importante pa rin ang kalidad ng pagbabalita. Bago mo ilabas ang isang ulat, kailangang na-validate na kung legitimate ba iyong source at nagamit na ba ang lahat ng means para ma-verify ang balita”, dugtong ni Luchi.

Paano mo nama-manage maging objective kung ang isang isyu ay personal sa iyong paniniwala?

5 4

“Siyempre, kung personal at involved ang family ko, I will inhibit. Tungkol sa paniniwala, sinasabi ko sa mga tao ko na dapat may stand sila pero hindi nila dapat i-broadcast iyong stand nila”, sagot niya.

Sa mga news campaigns na nagawa niya, ipinagmamalaki ni Luchi ang “Rescue 5” dahil bukod sa nagbigay ito ng mga karangalan sa network, ito rin ang natatanging programa na nagtuturo sa kanyang news team na matutunan ang disaster preparedness kung saan sinasanay sila sa mga tamang pamamaraan ng pagtugon sa emergency, sakuna o kalamidad tulad ng first aid, atbpa.

“It really puts meaning to our battlecry which is higit sa balita, aksyon! Even though our resources are not sufficient, we make our presence felt when calamity strikes to give more than public service”,pahayag niya.

Bukod sa pagiging head ng News 5, si Luchi ay anchor rin ng weekday primetime newscast na “Aksyon” at host ng premyadong public affairs show na “Reaksyon”. Isa rin siya sa mga matatalinong news anchors ng personal at family relations program na “Relasyon” sa Radio 5 NewsFM.

Kung may panahon siya, gusto rin ni Luchi na makagawa at magdirehe ng mga documentary films.

Sa pagpapaigting ng mga news programs ng News 5, kabalikat ni Luchi sina DJ Sta. Ana, head of operations, Patrick Paez, head of production, Roby Alampay, editor-in-chief ng InterAksyon. com at ang mga news anchors na sina Twink Macaraig at Ed Lingao.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply