May 24, 2025
“Showbiz isn’t forever. It’s important to secure your future.” – Jc Tiuseco
Latest Articles

“Showbiz isn’t forever. It’s important to secure your future.” – Jc Tiuseco

Mar 19, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

unnamed Kung may makakakita sa ‘new look’ ng dating Survivor Philippines winner na JC Tiuseco ngayon, mapapansin na malaki ang ipinagbago ng hitsura niya dahil may bigote at balbas-sarado na ito. Parang mas mature na siyang tingnan.

“Salbahe kasi ang role ko sa Pari Koy,” aniya nang makausap namin noong Martes ng gabi, March 17, sa taping ng Celebrity Bluff. Ang pagbabago ng kanyang hitsura ay bahagi ng kanyang paghahanda sa kanyang gagampanang karakter.

“Ang character ko ay si Timo, isang tambay na lasinggero at palaaway na siga do’n sa barangay namin. Ako ‘yong nakababatang kapatid ni Noemi na ginagampanan ni Sunshine Dizon. “Tapos si Padre Kokoy (portrayed by Dingdong Dantes) nang mapunta sa lugar namin, tutulungan niya kaming magbagong buhay.”

11045299_807884159297813_415666974818760619_n

Bukod sa taping ng Pari Koy, naka-focus daw ngayon si JC sa apparel business na kanyang sisimulan. Kasosyo niya rito ang ilang kaibigan.

“Mga pang-gym at casual wear ‘yong products. Target namin ngayong month of May na mag-launch at mag-open ng aming outlet. I think it’s about time to do something for the future. Mahalaga kasi na may business yung mga tulad naming taga-showbiz. Showbiz isn’t forever kasi eh.”

Bakit apparel business ang naisipan niyang pasuking negosyo?

“Kasi dahil mahilig nga rin akong mag-gym. Mahilig ako sa sports.

“So alam ko ‘yong kung anong mga klase ng damit ‘yong confi kapag nagdyi-gym ka o nagwu-work out ka. Mahalaga na ‘yong suot mo ay mabilis lang matuyo tapos maganda ding tingnan, gano’n.

“Two months kaming nagmi-meeting at nagpa-plano. Kumuha kami ng samples ng mga tela at tinitingnan namin kung ano ‘yong maganda pati mga designs.

“Magkakaroon kami ng shop sa may Katipunan Avenue, sa Quezon City. Tapos eventually sana ay makapag-start din kaming mag-supply sa mga malls.”

Nangiti si JC nang mausisa tungkol sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

“Okey naman. Tahimik,” aniya.

More than one year na raw ang itinatagal ng kanilang relasyon? Wala pa silang planong magpakasal?

“Wala pa. Matagal-tagal pa siguro.

“Kailangang paghandaan ‘yong bagay na ‘yan. Sa ngayon, trabaho muna at saka ‘yong uumpisahan kong business,” panghuling nasabi ni JC.

Leave a comment

Leave a Reply