
“I feel sad for Mariel. It’s a planned baby but it’s just too bad she had a miscarriage.” – Robin Padilla
by Mary Rose G. Antazo
Ramdam na ramdan ng aktor na si Robin Padilla ang kalungkutan ng asawang si Mariel Rodriguez ngayon dahil sa ‘miscarriage’ na naranasan nito sa kanilang dapat ay first baby. Naiintindihan niya ang asawa kung kaya’t palagi siyang nakaalalay dito. Sa malungkot na post nga ni Mariel sa kanyang Instagram ay maraming artista ang nakiramay sa nararamdaman niyang kalungkutan dahil sa nangyari. Ilan sa mga nagbigay ng mensahe sa kanya ay sina Rufa Mae Quinto, Claudine Barretto at Kylie Padilla.
“Sa tanda kong ito, nalulungkot ako para kay Mariel. Siyempre siya ‘yung nangarap. Ibang klaseng joy ang idinulot sa kanya nun. Ilan naman na ang anak ko, naka-experience na rin ako niyan eh. Sa first wife ko, nagkaroon din ng ganyan. Madali akong naka-move on, pero si Mariel hanggang ngayon hindi pa. Kasi sabi nga ng doktor, aalisin na (pero ) ayaw niya. Naniniwala pa siya na mayroon pang milagrong mangyayari,” pahayag ni Binoe.
Payroll Dagdag pa nito…”Sabi nga niya hangga’t hindi siya dinudugo ng normal, hindi niya aalisin. Sabi ko nga ‘baka delikado nga ‘yan kasi may patay sa loob mo.’ Hindi naman daw sabi din naman nung doktor, natural naman daw na lalabas ‘yan.”
Kuwento pa ng aktor…”Mahirap pa sa kanyang tanggapin dahil sariwa pa. Huwag naman mangyari ulit. Pero kumbaga, unang shock. Ang tagal naming plano ito. Kung kailan namin gustong-gusto magkaanak, saka di nangyari. Nakahanda na siya, handa na din ako. Handa na ang mga bata. Pati yung first wife (ko), handa na rin sa mangyayari, planado na lahat.”
“Umaasa pa rin siya na hangga’t hindi siya dinudugo. Siyempre sasakyan na lang natin. Ang pangit naman nun kung ako pang asawa niya ang babaril sa trip niya,” sey pa nito.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9