May 23, 2025
“As much as possible, I don’t want Carmina to be kissed by other men. I still get hurt even if it has no malice or it’s purely just for work.” – Zoren Legaspi
Latest Articles

“As much as possible, I don’t want Carmina to be kissed by other men. I still get hurt even if it has no malice or it’s purely just for work.” – Zoren Legaspi

Mar 20, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

7878961306_b76b61809c_z Sabi ni Carmina Villaroel sa mga interviews niya ay alam at okey lang daw sa mister niyang si Zoren Legaspi ang daring role at kissing scene niya with Paulo Avelino sa serye nilang Bridges of Love. Pero ayon na rin mismo kay Zoren, hindi raw niya alam na may kissing scene si Carmina with Paulo sa nasabing serye ng ABS-CBN 2.

“Well, ang alam ko lang, it’s a serious drama project pero hindi ko alam na merong mga kissing scene na yan. Siguro miski siya rin nagulat kasi ang balita ko nag-revise sila ng script eh. Hindi ako sure kung itinatago nga niya sa akin yun. Kasi alam niyang ayoko ng ganyan,” sabi ni Zoren

Dagdag niya,”Ever since nanligaw ako kay Carmina noon, ayoko talaga ng ganun. Pero ‘yun na nga, I cannot be a hypocrite kasi parte yan ng trabaho natin sa showbiz, kaya kahit paano naiintindihan ko rin naman. Kasi as a director also, I need to understand yung pagiging professional niya sa kanyang work. Pero hangga’t maaari, sana iwasan yung ganung mga eksena.”

“Si Carmina kasi, personal yan, pag-aari ko siya… kasi asawa ko siya eh, you know what I’m saying, so, siyempre ‘pag may dumampi na ibang labi diyan kahit alam mong walang malice, alam mong trabaho lang, masakit pa rin sa akin yon. Pero dahil I’m also an artist at trabaho niya ‘yon, wala akong magagawa don, so tanggapin mo na lang yon kahit masakit,” dagdag na reaksyon pa ni Zoren.

Ayon pa kay Zoren, hindi raw nila pinag-usapan ni Carmina ang tungkol sa role na gagawin nito sa Bridges of Love. Pero wala rin daw siyang binigay na restrictions sa asawa.

“Alam na niya ‘yon ever since, but you know, it’s TV so I’m sure, hindi naman ganu’n kalala yung mga gagawin niya diyan when compared to movies. Pero whether malala or hindi, mahirap pa rin sa akin yan… mahirap tanggapin. Kumbaga, kung pwedeng ako na lang lagi ang kapareha ng asawa ko, bakit hindi? Siyempre, ayaw mong madampian ng ibang labi yan, eh. Gusto mo ikaw lang, ‘di ba?”

Hindi rin alam ni Zoren kung paano magre-react ang kambal nilang anak sa role ni Carmina sa teleserye.

2013_dec13_show3

“’Yon ang magiging problema,” natatawa niya pang sabi

“Ano pa ‘yon, emotional ang dalawang ‘yun, they get carried away. Kunwari merong eksenang ginugulpi, ah, nagagalit yon, kasi hindi pa nila totally naiintindihan, so very affected sila… ‘Wag na lang siguro nilang panoorin,” sabi pa ni Zoren bilang pagtatapos.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply