
Actress Melissa Mendez was offloaded after being an unruly passenger and allegedly punched a flight attendant
by Vance Madrid
Sapilitang pinababa ng eroplano ang aktres na si Melissa Mendez matapos diumano nitong gumawa ng eksena sa paliparan wala pang isang oras ang nakararaan. Nangyari ang nasabing insidente ngayong araw ng Biyernes, March 20, base na rin sa salaysay ng atleta at actor na si Andrew Wolff na miyembro ng Philippine Volcanoes.
Papunta sa Mindanao ang actor na si Wolff kasama ang iba pa niyang kaibigan at sakay sila ng Cebu Pacific. Naantala raw ang kanilang biyahe dahil ayaw umanong umalis sa kanilang “reserved seats” ang aktres na si Melissa Mendez.
Matapos pakiusapang ng cabin crew ng Cebu Pacific ay umalis naman daw itong si Melissa Mendez at pumayag na rin itong umupo sa nakatalagang silya para sa kanya. Subalit hindi ito nag-paawat sa kamumura at pagsasalita laban sa grupo ni Wolff. Dahil dito’y nakadalawang beses na pinagsabihan ng flight steward itong si Mendez pero hindi pa rin umano ito tumigil. Hindi na talaga umano nakapagpigil sa galit itong si Mendez sa grupo ni Wolff kung kaya’t nagulat ang lahat ng diumano’y biglang sinuntok ni Mendez ang isa sa kasamang kaibigan ni Wolff pati na ang ilang flight attendants. Dito na raw nag-desisyon ang piloto ng nasabing Cebu Pacific flight na ibalik na lamang sila sa Maynila upang pababain ang aktres dahil sa inasal nito sa loob ng eroplano.
Nakiusap pa daw itong si Melissa Mendez sa piloto na huwag gawin ang ibalik sila sa Maynila ngunit tumanggi ang nasabing piloto sapagkat nakasakit na raw ito ng kanyang flight strewardess. Ayon sa Captain ng nasabing Cebu pacific flight: “:Ladies and Gentlemen, I apologize, but we have to go back to Manila due to one unruly passenger.”