
“Showbiz isn’t forever, that’s why having a good education is also important.” – Miguel Tanfelix
“Graduation Day ko po ngayong araw ng Sabado,” ani Miguel Tanfelix. Natutuwa siya na nakatapos pa rin siya ng high school sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz career.
“Masaya po ako dahil isang malaking achievement po para sa akin itong pag-graduate ko ng high school. Unti-unti ko pong natutupad ‘yung mga pangarap ko at napakalaking bagay po sa akin ‘yung pag-aaral ko,”sabi ni Miguel
Dagdag niya, “At the same time, nagpapasalamat din ako sa lahat ng taong sumuporta sa akin, especially ang aking mga magulang na parating nand’yan para ipaalala sa akin ‘yung kahalagahan ng pag-aaral.”
Kanino niya iaalay ang kanyang diploma?
“Syempre po, una sa lahat, kay God. Lagi ko pong ipinagdadasal na sana, makatapos ako ng high school.
“Binigyan N’ya po ako ng lakas para magawa ito.
“Sumunod po sa aking mga magulang na nandiyan parati para suportahan ako.
“We come from a family rin po kasi of educators. ‘Yung lola ko po owns a school and simula po pagkabata, itinuro na nila sa akin ang kahalagahan ng pag-aaral, kaya po para sa kanila rin po iyong diploma ko.
“Kahit po nu’ng nag-artista na ‘ko, sinasabi po nila parati sa akin na hindi panghabangbuhay ‘yung pag-aartista. Kaya dapat mag-aral ako ng mabuti para meron din ibang career na mapupuntahan aside from showbiz.”
May payo si Miguel sa mga kapwa niya artista na nangangarap din na makapagtapos ng pag-aaral, dapat daw matutunan ng mga ito ang pagkakaroon ng time management.
“Dapat alam nila kung gaano kahalaga ‘yung education sa buhay nila.
“Walang imposible ‘pag ginusto mo, ‘di ba? Tapos, time management is very important.
“You have to devote time for your studies kahit pagod ka na sa taping mo.
“Maraming sacrifices na dapat gawin like hindi ka na muna lalabas or maglalaro with your friends just to focus on your studies.
“And last is discipline po sa sarili if you want to achieve something,” sabi pa ni Miguel
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente