May 23, 2025
“I’m at my happiest now that I’m single.”- Gwen Zamora
Latest Articles

“I’m at my happiest now that I’m single.”- Gwen Zamora

Mar 24, 2015

vance @madrid

by Vance Madrid

ELLEN AND ADARNA

Balitang muling nagkita ang dating matalik na magkaibigang sina Gwen Zamora at Ellen Adarna.  Ang dalawang dilag ay nagkaroon umano ng fall-out matapos mabalitang nakikipag-date (or nobya na nga ba?) si Ellen sa dating nobyo nitong si Gwen na si Raymund Romualdez.  Nag-post kasi dati si Ellen ng mga larawan nila ni Romualdez sa kanyang Instagram account na agad din naman niyang binura.

GWEN ZAMORA copyAyon sa mga tsika, hindi naman daw nagkaroon ng overlap ang relasyon ni Romualdez sa dalwang naggagandahan magkaibigan.  “Naging issue nga siya, pero siguro hayaan na lang natin siyang maging ganun—hanggang issue na lang siya, ayoko na siyang palakihin. We were together nga last week. Okay naman kami.” sabi ni Gwen.

Matagal na raw break si Gwen sa ex niya, ayon sa kanya’y mga six months ago pa raw nang sila’y maghiwalay. Tatlong taon din ang itinakbo ng naging relasyon ni Gwen sa anak ni Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban. Pero inamin naman niyang hindi pa siya handa para makipagkaibigan dito. Ni ayaw na nga niyang binabanggit pa ang pangalan nito na kung kanyang tukuyin ay tumatanginting na “Ex” lang. “Masaya na ako sa buhay ko ngayon. I have moved on and I’m even at my happiest being single!”

Gaano siya kadaling makapag-move on?

“Hindi ko masabi, depend kasi sa naging breakup. Kapag okay ka na, right after a breakup, you’ll just know it. If not, sobrang hurtful siguro yun so you  have a tendency na medyo maloka ng konti, but eventually you’ll get used to being single again. So far, wala pa naman akong mai-consider na sobrang bad breakup. I was able manage very well, thank you.”

Handa na ba siyang muling magmahal since kalahating taon na rin naman pala ang nakalipas?

ELLEN copy“Whatever comes along, okay lang. Hindi naman sa gusto kong maging single but I’m not looking.”

Gwen says she enjoys hanging out with her friends.  She gets to travel a lot lately. “We’ve been to Sagada, Coron and Caramoan for Bubble Gang. This year, I have plans on going to Iceland too.”

Sinisiguro pa ng dalaga na mas madami siyang magiging projects at mas makakapag-focus na siya sa trabaho ngayon  dahil she is accountable for herself alone at hindi na niya kailangan pang magpaalam sa ibang tao bago gawin ang isang project.

Leave a comment

Leave a Reply