
Annabelle Rama and Esther Lahbati have finally reconciled
Sa wakas ay natapos na rin ang naging iringan sa pagitan nina Annabelle Rama at ang ina ni Sarah Lahbati na si Gng. Esther Lahbati na nagsimula noong nakaraang taon matapos ipagdiwang ang binyag ng apo nilang si Zion, anak ng actor na si Richard Guttierez kay Sarah Lahbati. Nagkaroon ng fall out ang dalawang nanay matapos sabihan ni Annabelle na mag-takeout ng pagkain ang ina ni Sarah sa nasabing pagdiriwang na ikinasama umano ng loob nito. Labis na naapektuhan sina Richard at Sarah sa naging away ng kanilang mga magulang. Naging mahirap ito lalo na para kay Sarah dahil pareho niyang mahal ang dalawang ginang.
Noong nakaraang Pasko, nagpalitan ng regalo sina Annabelle at Esther, ayon na rin mismo sa anak nitong si Sarah. Ito ang naging hudyat na darating ang araw na magkakaayos rin ang dalawang ina. Hangad naman nina Richard at Sarah noon pa man na maging maayos na muli sa pagitan ng mga Guttierez at Lahbati.
Nangyari ang nasabing pagbabati at muling paguusap nina Annabelle at Esther sa isang exclusive launching ni Rajo Laurel na “Love Collection II” kung saan ilan sa mga damit ay dinisenyo mismo ng mga anak ni Ruffa Guttierez na sina Lorin at Venice. Si Zion naman na apo ng dalawang ginang ay isa sa mga batang rumampa sa nasabing event.
“Well someone is happy that the two Lola’s have kissed and made up! Indeed, timing is everything,” sabi ni Ruffa Guttierez sa kanyang blog (iloveruffag.com) kung saan naka-post din ang picture ng pamangkin niyang si Zion na nakangiti na kasama ang kanyang Lola Annabelle at Lola Esther.
Tama si Ruffa, marahil sa pagbabati nina Annabelle at Esther, ang pinakamasaya sa lahat ay walang iba kung hindi ang apo nilang si Zion.