
Rey Pamaran files P3-million slander case against actress Melissa Mendez
by Vance Madrid
Sa kabila ng public apology ng aktres na si Melissa Mendez sa kanyang Instagram account, itinuloy pa rin ni Rey Pamaran, ang nakaalitang model at realtor na kaibigan ng actor-atletang si Andrew Wolff ang pagsampa ng kaso sa aktres. Paliwanag ni Pamaran, hindi siya naging kumbinsido na sincere ang paghingi ng dispensa ng aktres.
Naging maingay sa social media ang nasabing insidente kung saan sangkot sina Pamaran at Mendez dahil sa agawan ng upuan sa eroplano na naging dahilan ng kanilang naging alitan. Nauwi ito sa pisikal na sakitan na pananampal umano ni Mendez kay Pamaran. Naganap ang nasabing insidente nang papunta ang mga nabanggit sa Pagadian City noong Biyernes.
Ayon sa Facebook account ni Pamaran, “Reading the response of the supposedly ‘public apology’ of Ms. Mendez, I immediately made up my mind to pursue my cases against her. I was hoping for a more heartfelt reply, where she would not apologize but also own up to the lies that she said on TV to defend herself while destroying my reputation.”

Nag-file na nga ng criminal complaint of slander by deed with damages amounting to P3 Million itong si Pamaran laban kay Melissa Mendez. Nais ni Pamaran na humingi ng tawad ang aktres sa telebisyon dahil nasira ang kanyang reputasyon ng dahil dito.
As of press time, hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si Mendez sa nasabing kasong isinampa laban sa kanya.