May 25, 2025
“I’m willing to marry a man who is less successful than I am.” – Rogelie Catacutan, Bb. Pilipinas-Supranational
Latest Articles

“I’m willing to marry a man who is less successful than I am.” – Rogelie Catacutan, Bb. Pilipinas-Supranational

Mar 26, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

wpid-wp-1419771406724Bb. Pilipinas-Supranational 2015 Rogelie Catacutan is indeed a very good conversationalist. Pinatunayan niya ito nang mag-guest siya sa kagabi, Miyerkules, March 25, sa Abunda & Aquino.

Bago ang pagi-guest niyang ‘yon sa late night show nina Boy Abunda at Kris Aquino ay nauna nang nag-guest si Rogelie kasama ang iba pang winners ng Bb. Pilipinas 2015. Tumatak sa marami ang sagot niyang “I’m loved” nang matanong kung single siya.

“My mom, she called me. Ginagawa na raw tag-line ‘yong I am loved do’n sa probinsiya namin,” natawang sabi ni Rogelie.

Bago naging beauty queen ay front desk officer si Rogelie sa isang kilalang hotel sa Cebu. And that explains kung bakit magaling nga siyang makiharap at makipag-usap sa kahit na sino. Isa rin siyang registered nurse. She graduated noong 2011 pero matapos ang isang taon ay nag-decide siyang magtrabaho bilang front desk officer. Taong 2012 naman siya nagtrabaho bilang front desk officer sa isang kilalang hotel sa Cebu.

Pagdating sa personal questions, matipid sa pagsagot ang beauty queen. Sa tanong nga kung how long has she been loved, ang sabi lang niya…

“Matagal-tagal na po. Mga… two and a half years.

Sa question and answer portion naman ng Bb. Pilipinas pageant, ang naging tanong kay Rogelie ay… would you marry a man less successful than you are.

Yes ang mabilis niyang sagot. At muli ay ipinahayag niya kung ano ang kanyang point kaugnay nito.

“Yes, I’d still marry a man who is less successful than I am. Kasi for me, when you say less successful… that doesn’t mean na financial status lang. Maraming aspeto ‘yon.”

“Puwede kang less successful sa family life mo or sa lovelife mo. Or sa negosyo mo or even sa relationship mo with God, ‘yong may gano’n pong bagay. Pero for me lang po ‘yong pagiging less successful. Hindi ‘yong depende lang sa financial status.”

Pero talagang it’s okay with her to marry a man who has less achievements?

“Yeah. Oo. Kasi it’s not just about the person. It’s how you interact with him. Kasi love nga is very unconditional.”

But supporting a man financially?

“That’s another story. Kasi when you say less successful, that doesn’t mean na hindi ka kayang buhayin ng partner mo. Parang hindi lang siguro siya gano’n ka-given when it comes to salary. Or baka hindi lang siya gano’n ka-sikat as you are.”

In short, ayaw niya ng isang palamunin?

“Hindi ko gugustuhin na ako ang magpo-provide for the man. No. no, no. no!” natawang sabi pa ni Rogelie.

During the Bb. Pilinas pageant, sino sa palagay niya ang naging pinakamahigpit na nakalaban niya?

“Siguro ‘yung sarili ko po. Kasi parang… alam naman po nating lahat na hindi ako ang favorite ng mga tao or hindi ako gano’n ka-hot.”

Is she affected na evertime lumalabas siya ay hindi siya tinititian o walang malakas na sigawan?

“A little bit. Kasi parang sa buong coliseum, parang twenty na tao lang ang nando’n for me. Pero parang kahit twenty lang ‘yon pero I get strength from them. ‘Yong parang gano’n po.”

“Parang sa Facebook lang ‘yon. Ang dami mo ngang like pero ‘yong totoong naglala-like sa ‘yo, parang isang lang.”

Ayaw niyang mag-showbiz?

“It doesn’t mean na ayoko po. Pero parang when you say showbusiness… parang kasama sa nilagdaan mong kontrata e you’re giving the people an opportunity to look inside you or to look ‘yung ano ka talaga or ‘yong personal mo na bagay.

“Hindi po ako masyadong open sa gano’n. Parang for me, ‘yong privacy is a luxury na mahirap i-afford kahit gano’n ka pa kayaman,” Panghuling nasabi ni Rogelie.

DSCF0814

Leave a comment

Leave a Reply