May 25, 2025
“Inigo is not courting me, we’re really just good friends.” – Julia Barretto
Latest Articles

“Inigo is not courting me, we’re really just good friends.” – Julia Barretto

Mar 26, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

a9e605e9a25bfcf488909460950e5604 Ngayong Linggo na, March 29, ipapalabas na ang coverage ng katatapos na debut ni Julia Barretto na ‘Just Julia.’ Pero hindi lang daw mga naging kaganapan sa kanyang 18th birthday ang mapapanood dito kundi merong karagdagan pang iba pa.

“It’s gonna show why I’m really just Julia,” sabi ng Kapamilya young actress.

“It’s something exciting kasi they’ll gonna see who I really am off cam and on cam.”

Speaking of her debut, ano ba para sa kanya ang naging pinaka-higlight nito?

“Everything. And I’m genuinely happy. Everybody (lahat ng mga mahal niya sa buhay) was there. Kaya happy ako.”

Excited din daw si Julia sa pelikula at maging sa teleserye na pagbibidahan niya. “The movie is done. Hinihintay ko na lang na maipakita (maipalabas) na. Ang title nito… Para Sa Hopeless Romantic.”

“Tapos ‘yong teleserye naman na And I Love You So, we’ll start taping after Holy Week.”

Ang anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual ang kapareha niya sa nabanggit na teleserye na kanya ding katambal sa movie nga na katatapos niyang i-shoot. Ito rin ang kanyang escort sa nakaraan niyang debut.

Dahil sila nga ni Inigo ang ginu-groom ng ABS CBN na loveteam ngayon, nagsisimula na silang ma-link sa isa’t isa. Nanliligaw ba sa kanya ang binatilyo?

“Inigo is not courting me. And Inigo is just a good friend of mine,” paglilinaw ni Julia.

“Alam namin sa isa’t isa na we’re just really friends. That’s our relationship, e. Gano’n ‘yong friendship namin. We’re so comfortable with each other na. Friends talaga, e.”

Julia and Inigo play close friends Karen and Christian in 'MMK' this Saturday_1

At bilang magka-loveteam, malaking bagay nga raw na magkaibigan sila ni Inigo. “For me it’s better that we have a good friendship. Kasi it’s not awkward, hindi ka conscious. And that’s a good point to start.”

Leave a comment

Leave a Reply