May 24, 2025
“I don’t mind cutting my hair for a role. I’ll grow them back anyway.” – Chynna Ortaleza
Latest Articles T.V.

“I don’t mind cutting my hair for a role. I’ll grow them back anyway.” – Chynna Ortaleza

Mar 26, 2015

vance @madrid
by Vance Madrid

Ang mahabang buhok ay nakadaragdag ng kagandahan ng isang babae. Ngunit para sa isang role na kanyang gagampanan sa bagong soap opera ng GMA 7 na “The Rich Man’s Daughter,” pumayag na magpagupit ng maigsing buhok ang Kapuso aktres na si Chynna Ortaleza.

11069482_1399381853711767_5608605338703759384_n

Sanay si Chynna sa mahabang buhok niya ngunit ngayon sa bago niyang hairstyle, she is sporting a one-sided boy cut with undercut. “I really don’t mind. I will grow my hair back naman,” sabi ni Chynna. Although aminado ang aktres na paminsan-minsan ay name-miss nito ang kanyang dating buhok na mahaba.

Ayon rin sa aktres, ginawa lang naman daw niya yung nararapat sa kanyang role. Hindi naman daw magiging kapanipaniwala ang kanyang pagganap sa isa na namang “kontrobersiyal” na palabas ng GMA.

Ang “The Rich Man’s Daughter” ay isang bagong soap operas na pagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes. Ito ang kanyang pagbabalik sa telebisyon matapos niyang mag-asawa. Ang naturang soap opera ay tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang babae. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at direksiyon naman ni Domini Zapata, na nakilala dahil sa kanyang pangunguna sa internationally-acclaimed teleseryeng “My Husband’s Lover.”

Makakasama nina Marian at Chynna sa “The Richman’s Daughter” sina Glaiza de Castro, Luis Alandy, Mike Tan, Katrina Halili, at marami pang iba.

Leave a comment

Leave a Reply