
“I dedicate my high school diploma to my Mom and my sister.” – Derrick Monasterio
Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang showbiz. Pero may mga taong kinayang gawin ng sabay ang mga ito. Isa na nga rito ang Kapuso young actor na si Derrick Monasterio na nakatapos ng high school sa Angelicum College. “Sobrang proud ako na naka-graduate ako ng high school. Importante ang edukasyon kasi sabi nga nila isa itong yaman na hindi maaaring nakawin sa iyo ninuman. Napatunayan ko na totoo iyan,” sabi ni Derrick.
Ayon pa kay Derrick, marami siyang kinakailangan isakripisyo para lang makamtan ang nasabing high school diploma. “Hindi ako puwedeng gaanong gumimik or mag-party kasi kesa magpunta ako sa ganun, mas gusto kong matulog at magpahinga na lang sa bahay kung wala rin lang akong shooting or taping.”
“Pero ayos lang naman sa akin to make those sacrifices. Kasi yung kapalit, yung diploma. Hindi lahat kasi naipagpapatuloy nila yung pag-aaral. Ngayon kasi, instead of a right, education is more of a privilege na sa hirap ng buhay ng tao.”
“Ang sarap talaga nung feeling na lumakad ako sa aisle kasama yung dalawang taong pinakamamahal ko (his mom, former actress Tina Monasterrio and his younger sister) nung graduation ko. Sa kanila ko rin kasi dine-dedicate yung diploma ko.”
May balak naman daw mag-college si Derrick pero sa ngayon daw ay pinag-iisipan pa niya ng mabuti kung ano ang kursong kanyang kukunin sa kolehiyo.
“Allow me to bask in my victory for now,” pagtatapos pa ni Derrick.