May 23, 2025
Robin Padilla appeals to Rey Pamaran: “Forgive Melissa Mendez.”
Latest Articles

Robin Padilla appeals to Rey Pamaran: “Forgive Melissa Mendez.”

Mar 30, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Sa ginawang pagdemanda ni Rey Pamaran ng kasong Slander by Deeds kay Melissa Mendez ay nag-post si Robin Padilla ng mensahe sa kanyang Instagram account para kay Mr. Pamaran.

Sir, it will be very good for everybody, especially to the young men of sports/bodybuilding and law school, if the both of you will set an example of practicing the code of chivalry. Matanda na rin po si melissa, 50 yrs old na siya, maliit na babae at hindi naman mayaman, may naipon ngunit hindi naman sobra, sapat lang para sa pamilya. Hindi po ako nakikialam bagkus ay nakikiusap, naniniwala po ako na kayong dalawa ay marangal na tao at hindi umaatras sa laban, ngunit nagpakumbaba na po si Melissa at humingi na ng paumanhin at patawad.Malinaw na ayaw na po niyang lumaban pa.Dasal po ng Katipunan ay magkaroon na po ng katapusan ang hindi pagkakaintindihan na ito at magsilbing aral sa lahat ng sumasakay ng eroplano, babae man o lalaki. Ang pagpapatawad po ninyo kay melissa mendez ay tatanawing utang na loob ng lupon ng mga Rebolusyonaryong Pangkapayapaan.

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Pakiusap ni Robin para kay Mr. Pamaran, “Sir, it will be very good for everybody, especially to the young men of sports/bodybuilding and law school, if both of you will set an example of practicing the code of chivalry.

“Matanda na rin po si Melissa, 50 years old na siya, maliit na babae at hindi naman mayaman, may naipon ngunit hindi naman sobra, sapat lang para sa pamilya. Hindi po ako nakikialam bagkus ay nakikiusap, naniniwala po ako na kayong dalawa ay marangal na tao at hindi umaatras sa laban, ngunit nagpakumbaba na po si Melissa at humi­ngi na ng paumanhin at patawad.”

“Malinaw na ayaw na po niyang lumaban pa. Dasal po ng Katipunan ay magkaroon na po ng katapusan ang hindi pagkakaintindihan na ito at magsilbing aral sa lahat ng sumasakay ng eroplano, babae man o lalaki.”

“Ang pagpapatawad po ninyo kay Melissa Mendez ay tatanawing utang na loob ng lupon ng mga Rebolusyonaryong Pangkapayapaan.”

Nabasa na ni Mr. Pamaran ang IG post na ‘yun ni Robin para sa kanya.  Nagpadala ng sagot tungkol dito ang abogado niya na si Atty. Raymond Fortun.

Aniya, “Your intentions are good but you should instead appeal to Melissa to tell the truth, so that this case can be amicably settled.”

Leave a comment

Leave a Reply