
“I’m a Sagittarian so I’m into sports or anything extreme.” – Sam Pinto
Sa Baguio City ang destinasyon ni Sam Pinto ngayong Holy Week. Matagal-tagal na rin daw siyang hindi nakapunta rito kaya excited siya.
“My mom is from Baguio, actually. And… wala lang, ang tagal na naming hindi pumupunta du’n,” aniya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) nitong Linggo, March 29.
“Actually my mom’s siblings… parang half in Manila, half in Baguio. So some of them are there. Nagpa-plan kami ng mga cousins ko… magti-tree top kami. At saka mag-strawberry picking. Sa tagal ko nang hindi pumupunta sa Baguio, first time ko na makakapag-strawberry picking. Wala lang, mukhang fun din naman ‘yong strawberry picking!” sabay tawa ni Sam.
“Gusto ko ring bumaba ng La Union para naman mag-surfing. Kung merong waves!” natawang sabi pa ng aktres. Mahilig daw talaga si Sam sa adventure at sports. Katwiran niya, “Kasi Sagittarius ako. So I love sports or anything extreme. Gusto ko nga sa tree top ‘yung parang magsu-superman! ‘Yung may zip line?,” kuwento pa ni Sam na ang level of excitement ay animo’y isang bata.
Ano ba ang pinakagusto niyang extreme sport na kanyang kadalasang ginagawa?
“Extreme for me is probably surfing. Kasi it’s very hard and very dangerous at the same time but it’s also super-fun. Lately, I don’t have time to surf. But I’ve been surfing for about two years na. Of course, ang layu-layo ng mga surfing spots. Kaya hindi ako basta-basta puwedeng makapunta. Pero kapag libre ako at walang work, I try to find time na makapag-surf. It’s really fun.”