May 24, 2025
“The kids are telling the truth.” – Sunshine Cruz
Latest Articles

“The kids are telling the truth.” – Sunshine Cruz

Apr 1, 2015

vance @madrid
by Vance Madrid

Shine-MBMaituturing na isang bangungot para sa aktres na si Sunshine Cruz ang naging kasal nito sa aktor na si Cesar Montano. Kung matatandaan, bongga ang naging kasal ng dalawa na isang Christian wedding na ginanap sa Coconut Palace noong September 14, 2000. Si Sunshine ang ikalawang asawa ni Cesar matapos nito makipaghiwalay sa una niyang napangasawa na isang non-showbiz na pumanaw naman noong 1993. Kaya’t sadyang nakapanghihinayang na sa kabila ng pag-grant ng annulment sa kanilang kasal noong August 26, 2013, hindi pa rin magkaayos ang dating mag-asawa. Bagkus ay lalo pa nga yatang tumitindi ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

Consistent ang aktres na si Sunshine Cruz sa pagsasabing hindi marunong magsinungaling ang kanyang mga anak sa kung anuman ang nakita ng mga bata. Hindi niya ginagatungan ang mga bata laban sa estrange husband nitong si Cesar Montano. Nagpahayag kasi ang aktor na kinukumbinse niya ang tatlo nilang anak na magsabi ng totoo at huwag magpadikta sa kanilang ina.

Nahingan ng mensahe si Cesar para sa kanyang mga anak bago pumasok ang ito pumasok sa sala ng presiding judge na si Hon. Angeline Mary Quimpo Sale.

Sabi ng aktor: “Just tell the truth. Sabihin ninyo kung ano yung totoo. Huwag kayong papayag na maturuan ng kasinungalingan. Tandaan ninyo na ang bawat salitang sasabihin ninyong panget ay makakasira sa inyong ama na nagpapaaral sa inyo, nagbibigay sa inyo ng kung anong meron kayo. Please pray for me and for mommy.”

Ayon naman kay Sunshine, “This is about annulment and not about our kids. The kids are telling the truth.” Matapos isagawa ang judicial dispute resolution noong martes sa Quezon City Hall of Justice kaugnay sa kasong annulment of marriage ay nagkaroon ng ‘gag order’ mula sa nasabing korte ang mag-asawa kaya’t hindi sila maaring magsalita laban sa isa’t-isa.

“Napakahirap ng pinagdadaanan naming ngayon lalo na ang mga bata. Pero isa itong proseso na kailangan naming malampasan. Nakabuti nga na nagkaroon kami ng gag order. I don’t want to talk to him. Sa dinami-dami ng sinasabi niya against me, sino ba ang patuloy na nasasaktan? Hindi ba yung mga anak namin? Kung tutuusin, as the father of my kids and my ex-husband, hindi niya na dapat sinasabi yung mga bagay na alam niyang makakasakit ng damdamin ng mga anak niya. He should just keep quiet and harapin na lang niya kung ano yung kaso na nakasampa na sa korte.”

Nakakagulat rin lately ang ginawang post ni Sunshine sa kanyang Instagram account kung saan may selfie shot ang aktres in a white two piece swimsuit na kita ang maganda pa rin hubog ng katawan nito. Wala nga sa itsura ni Sunshine na nagkaanak na ito ng tatlo base sa ganda ng porma ng kanyang katawan na animo’y dalaga pa rin. In fairness, kaya pa ring talbugan ni Sunshine ang iba pa nating sexy stars dahil may ‘K’ talaga ito kung paseksihan din lang ang labanan. Ang tanong ng Philippine Showbiz Republic (PSR), ano ba ang motibo ni Sunshine sa pag-post ng ganitong litrato sa social media? Ito ba’y paraan niya upang muling makakuha ang attention ng publiko dahil siya’y nagbabalik showbiz nga, or ito ba’y paraan niya para manghinayang si Cesar sa kanyang ‘pinakawalan’? Your guess is as good as ours.

Leave a Reply