May 24, 2025
Ryzza Mae Dizon receives academic awards
Latest Articles

Ryzza Mae Dizon receives academic awards

Apr 1, 2015


vance @madrid
by Vance Madrid
Bagamat parang naglalaro lamang ang batang si Ryzza Mae Dizon na mas kilala din sa tawag na “Aling Maliit,” seryoso ang bata sa larangang kanyang kinabibilangan. Matagal nang pangarap ni Ryzza ang mag-artista. Marami man ang kanyang obligasyon, hindi mo mariringgan ng reklamo si Ryzza dahil talagang enjoy ang bata sa showbiz. Ngunit maaga pa lang ay naipamulat na sa kanya ang kahalagahan ng kanyang pag-aaral. Batid ni Ryzza na hindi panghabangbuhay ang pag-aartista. Kaya’t patuloy ang kanyang pagsisikap sa pag-aaral. Kahit araw-araw siyang napapanood sa The Ryzza Mae Show at Eat Bulaga, enrolled ito sa Eton International School.

11065916_749776051804824_5105823945548775353_n

Noong nakaraang Sabado, sa huling araw ng school year, ay ginawaran si Ryzza ng Multiple Intelligence Award: Excellence in Verbal Linguistic at Special Awards: Eton Achiever. Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat siya sa dalawang gantimpalang kanyang nakamit.

“Yay!!!! Congratulations to me!!! Thank you Eton International School!”

Busy man ang schedule niya, sinisiguro ni Ryzza na nakakahabol siya sa lahat ng mga requirements sa school sa tulong na rin ng kanyang tutor. Sinasagutan rin niya ang kanyang mga modules at ginagawa ang mga assignments habang naghihintay ito sa set. Dahil bakasyon na, masaya si Ryzza na kahit paano’y mababawasan pansamantala ang kanyang mga gawain. Sa susunod na pasukan, incoming grade five na siya. Isang mabuting huwaran si Ryzza sa mga bata na maging masikap sa kanilang pag-aaral.test

Leave a comment

Leave a Reply