May 24, 2025
Ina Raymundo’s armpit criticized by netizens
Latest Articles

Ina Raymundo’s armpit criticized by netizens

Apr 5, 2015

by PSR News Bureau

Nakakabilib ang nagbabalik na aktres na si Ina Raymundo. Sa kabila ng pagiging mother of five at misis ng Canadian na si Brian Poturnak , napanatili ni Ina ang magandang hubog ng kanyang katawan. Seksing-seksi pa rin ang tinaguriang “Sabado Nights” girl na kung katawan lang din ang pag-uusapan ay parang isang dalaga pa. Kayang-kayang talbugan ni Ina ang ibang mga sexy stars kung gugustuhin niya. Pero dahil isa na nga siyang maybahay, ipinapaubaya na lang niya sa iba ang pagpapa-seksi. Sa edad na 37, taglay pa rin ni Ina ang alindog nito na siyang nagpasikat sa kanya dati, isa siyang maituturing na “hot mama”.

Trying on some swimsuits at Itsie-Bitsie. They're on sale!

A photo posted by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

Kamakailan lang, sa Instagram account ni Ina, nag-post siya ng larawan niya kung saan nakasuot ito ng swimsuit. Kaso imbes na sa kanyang magandang physique nag-focus ang ilang netizens, tila nakaagaw ng pansin ang itsura ng kili-kili ng aktres. Nagkaroon ng bashers si Ina pagkatapos niyang mag-post dahil may dalawang nag-comment ng negative tungkol sa nasabing selfie post ni Ina. Sabi ng isang komento: “Pa-Belo kayo ng underarm mo sis ang itim oh.” Sinagot naman ito ni Ina sa pamamagitan ng isang hamon,“Hiyang-hiya naman ako sa inyo mga ate. Patingin nga ng mga kili-kili ninyo.”

Ilang araw matapos kumalat sa social media ang nasabing larawan ni Ina, gayundin ang pagba-bash sa kanya, marami ang nagtanggol para sa kanya at burado na rin ang dalawang negative na komento. Sa ngayon ay puro positibo na lamang ang mga komento na makikita sa nasabing Instagram post ng aktres.

Leave a comment

Leave a Reply