
Love is sweeter the second time around for celebrity couples Jessy Mendiola and JM de Guzman and Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
by PSR News Bureau
Base sa mga pictures na nakita ng Philippine Showbiz Republic (PSR) team sa kanilang respective social media accounts, mukhang nagkabalikan na nga sina JM de Guzman at Jessy Mendiola. Nag-upload ang aktor ng ilang larawan nila ni Jessy sa kanyang Instagram account na para sa amin ay sapat na patunay na they’re back on each other’s arms na nga.
Sweetness overload ang drama nina JM at Jessy. May kuha ang couple na kinarga ng aktor si Jessy. Mayroon din naman na nakahilig ang ulo ni Jessy sa mga machong braso ni JM. Sabi nga nila, “Actions speak louder than words.” Kumbaga sino man ang makakita sa celebrity couple na ito’y malalaman na agad kung anong namamagitan sa kanila.
Sa huling panayam kay Jessy, inamin naman nito that JM is trying to win her back again by sending her flowers. Masaya man ang aktres sa mga nangyayari sa kanyang buhay pag-ibig ngayon pero may mga ilan pa rin ang bumabatikos sa pagbabalikan ng dalawa. Marami kasi ang hindi pabor na magkabalikan muli sila Jessy at JM. Pero anuman ang sabihin ng iba, hindi na iyon mahalaga pa dahil ang importante’y masaya silang magkasamang muli kahit pa “it’s you and me against the world” ang drama nila.
Ang isa pang celebrity couple na tila malapit na ring magkabalikan ay ang Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Wala mang kumpirmasyon mula sa dalawa pero magkasama sila nitong Semana Santa. Nakuhanan ng mga larawan ang dalawa na magkasama sa isang lamesa sa exclusive na resort na Balesin Island. Lumabas ang nasabing larawan sa isang sikat na showbiz related blog.
Matagal nang may tsismis na nagkabalikan na ang dalawa. Ilang buwan na ang nakakaraan nang makita rin na magkasama ang couple sa isang triathlon event. Nitong huling Valentine’s Day pa nga ay nag-guest pa ang aktor sa concert ni Jen na ginanap sa Skydome ng SM.
Nag-deny noon si Jennylyn, hindi raw sila nagkabalikan ni Dennis. Paliwanag pa ni Jen, naimbitahan lang daw si Dennis ng common friends nila sa nasabing triathlon event kaya’t may larawan sila na magkasama.
Pero kung ang pagbabasihan ay ang mga larawan nila nitong Semana Santa, hindi na siguro ito maitatanggi pa ng aktres. Mukhang nag-enjoy ang couple being together at halatang masaya sila. Kung ang ilang taga-suporta nina Jen at Dennis ay nagdiwang sa magandang balitang ito, ang iba naman ay hindi natuwa sa chika na muling pagbabalikan ng dalawa.
Philippine Showbiz Republic (PSR) wishes these two couples good luck!