May 23, 2025
Claudine undergoes a secret medical procedure
Latest Articles

Claudine undergoes a secret medical procedure

Apr 7, 2015

by PSR News Bureau

Naging malaking palaisipan sa publiko kung ano ang maaaring magbago kay Claudine Barretto matapos ang ginawa nitong pag-post sa personal na Instagram account nito kung saan binanggit ng aktres na nasa loob ito ng operating room sa isang ospital. Makikita pa nga sa nasabing larawan na nakasuot ng isang hospital gown ang aktres at may suot din itong operating room cap na karaniwang ginagamit lang ng mga doktor at pasyente na sumasailalim sa isang operasyon. Sa likod ng aktres ay mayroong isang lalaking nurse naman na naglalagay ng suwero.

Inside the O.R

A photo posted by @claubarretto on


Ang tanong ngayon ng sambayanan ay kung anong sikretong medical procedure ang ipinagawa nitong si Claudine. Ito ba’y bilang paghahanda sa nalalapit na pagbabalik-showbiz ng aktres? Ito ba ay may kinalaman sa kanyang pagpapayat upang muling sumeksi at hindi magmukhang mataba sa telebisyon at pelikula? Pero ayon sa mga balita at pati na rin sa Instagram ng aktres, makikita na regular naman ang pagpunta nito sa gym kaya’t kung ito ang dahilan ng nasabing sikretong medical procedure, maaaring gusto lang mapabilis nitong si Claudine ang kanyang muling pagbabalik-showbiz.

Marami pa rin namang fans itong si Claudine hanggang ngayon na patuloy na naka-suporta sa kanilang idolo. Pero batid naman siguro ng aktres na kailangan talaga niyang magpapayat para makahabol naman sa pagiging sexy ng kanyang kapanabayang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Kung ikukumpara kasi si Claudine ngayon kay Juday, hindi hamak na mas sexy kasi ang huli ngayong isa nang ganap na may bahay at nanay ni Lucho kesa noong panahong dalaga pa si Juday kung saan mabilog pa siya. Si Claudine naman na noong kadalagahan nito’y sexy ito pero siya itong mas mabilog ngayon. Hindi naman siyempre gugustuhin ni Claudine na magtiyaga na lang sa mga “mother roles” dahil ang goal nga nito ay ang muling pagkinang ng kanyang bituin sa kanyang muling pagbabalik sa mundo ng showbiz. Madami na rin naman napatunayan si Claudine sa larangang ito at kung hindi siya mag-slim down, wala talagang magandang pambidang role ang darating sa kanya.

Matagal na panahon rin kasing nabakante sa trabaho itong si Claudine bukod pa sa nanganak nga siya kay Santino. Hindi siyempre makapapayag ang isang Claudine Barretto na masayang lang ang kanyang pinagpagurang estado sa showbiz ng ganun na lang. Kaya’t anuman ang ipinagawa na sikretong medical procedure nitong si Claudine, siguradong para ito sa kanyang kabutihan.

Isa lang ang masasabi ng Philippine Showbiz Republic (PSR) dito, good luck at nawa’y muling magbalik ang kinang ng isang Claudine Barretto sa showbiz.

Leave a comment

Leave a Reply