May 23, 2025
Bianca King finally reveals the guy who broke up with her via text message; hosts new talk show ‘Showbiz Konek na Konek’ over TV5
Latest Articles

Bianca King finally reveals the guy who broke up with her via text message; hosts new talk show ‘Showbiz Konek na Konek’ over TV5

Apr 7, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

Inamin ni Bianca King sa presscon ng ‘Showbiz Konek na Konek’ ng TV5, 11 am na si Dennis Trillo ang nakipag-break sa kanya sa text. Tinanggap niya ang challenge na pangalanan kung sino ang tinutukoy niya na may boyfriend siyang nakipaghiwalay lang sa text.

bianka

“I think, obvious naman yung sagot, e,” sambit niya.

Na-hurt ba siya?

“Basahin po ninyo yung isinulat ko sa blog ko, na-publish po yun sa Meg Magazine. At nung pinost ko po yun sa blog ko, tingnan po ninyo ang mga reaksiyon ng tao. Naramdaman po nila yung pinagdaanan ko. Marami rin pong humihingi sa akin ng advice kung paano din sila makaka-get over doon sa heartbreak na pinagdaanan nila,” sambit niya.

Naka-move-on na ba siya?

“Mga one month after po naka-get over na ako. Kasi po, hindi po magandang gawin yun sa kahit na sinong tao. Kahit hindi mo man mahal yung tao, bilang respeto mo sa tao, maganda na makapag-usap nang face to face. Kahit hindi breakup, yung important na usapan, I think, it’s better in person,” sambit niya.

Hindi pa raw sila nagkikibuan kahit nung minsang magkasalubong sila sa isang event. Sariwa pa raw ang split-up nila nu’ng magkita sila.

Pero willing siyang interbyuhin ito lalo na pag may isyu at ipo-promote bilang part ng kanyang trabaho.

“Kung gusto niyang gamitin ang show namin as platform para makapagsalita, of course, I’m more than willing to accommodate him,” bulalas niya.

Effective si Bianca bilang showbiz talk show host dahil palaban siya, matapang at diretso sa pagbibigay ng maiinit at maintrigang balitang showbiz.

Leave a comment

Leave a Reply