May 23, 2025
“I’m not bitter and had moved on.” – Bianca King after revealing an “ex” (Dennis Trillo) who broke up with her through text message
Latest Articles

“I’m not bitter and had moved on.” – Bianca King after revealing an “ex” (Dennis Trillo) who broke up with her through text message

Apr 7, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

Bianca KingKung dati isang pahulaan pa kung sino ang dating boyfriend na nakipag-break sa kanya noon through text nang mag-guest siya sa show ni Papa Jack sa TV5, ngayon, inamin na rin sa wakas na si Bianca King na si Dennis Trillo ang tinutukoy niyang ex.

Bagamat nasaktan siya sa nangyari, tulad ng nararamdaman ng mga sinumang babaeng nalagay sa kanyang situwasyon, sinabi ni Bianca na hindi siya “bitter” dahil nakapag-move on na siya.

Blessing in disguise rin ang naturang pangyayari dahil malaki ang naitulong nito upang maging matatag siya at mag-mature as a person.

Samantala, isang bagong career ang kakaharapin ngayon ni Bianca bilang showbiz-oriented talk show host. Feeling fulfilled siya Bianca dahil natupad na ang pangarap niyang makapag-host ng “Showbiz Konek na Konek”, kung saan kasama niya sina IC Mendoza at MJ Marfori.

Ngayong isa ka nang showbiz talk show host, willing ka bang interbyuhin siya?

“Kung may isyu siya na gustong niyang ipaliwanag o kaya’y may gusto siyang i-promote sa “Showbiz Konek na Konek” pero kung wala naman siyang isyu na dapat pag-usapan, hindi ‘ata tama”, aniya.

Willing na ba siyang harapin si Dennis?

“Nagkita na kami sa isang casual occasion pero hindi pa kami nagme-meet ng eye to eye,” sey niya.

Sa balitang nagkabalikan na ang dating nobyong si Dennis at si Jennylyn Mercado na napabalitang magkasamang nagbakasyon sa Balesin kamakailan, sinabi ni Bianca na pina-follow niya si Jennylyn sa Instagram at Twitter pero so far, wala pa namang announcement si Jennylyn sa status ng relasyon niya sa Kapuso hunk actor.

Kung noon ay ikaw ang iniintriga, ngayon handa ka na bang mang-intriga as a showbiz talk show host?

“Everything in the proper perspective siyempre. I don’t want to disrespect anybody. Kasama sa responsibilidad ng isang showbiz talk show host ang pagiging sensitive at mindful rin sa feelings ng ibang tao lalo pa kung ang involved ay kaibigan mo,” makahulugan niyang pahayag. “Pero all things being fair, kung may isyu sa isang tao, siyempre, kailangang i-confirm mo muna. I don’t want to lose my job at magkaroon ng kaaway sa showbusiness”, dugtong niya.

Ayon pa kay Bianca, isang panibagong hamon sa kanya ang pagho-host ng isang showbiz-oriented talk show host.

“Thankful ako na nagamit ko ang aking napag-aralan sa filmmaking at sa kolehiyo. Dito, I make my own research. I get to organize iyong mga gagawin ko. Talagang ina-update ko ang sarili ko sa mga showbiz news. I have my notes at siyempre, alert ako na kailangang naka-pokus ka lagi roon sa isyu”.

Para kay Bianca, hindi rin big deal kung may isang film producer na magkaka-interes na pagsamahin silang tatlo nina Dennis at Jennylyn sa isang proyekto, pero depende pa rin iyon sa proyekto at kung willing o kumportable ang kanyang ex na makasama siya sa pelikula.

Ang “Showbiz Konek na Konek” na hitik sa mga balitang showbiz ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11 ng umaga sa TV5.

Leave a comment

Leave a Reply