
MJ Marfori, the new face of investigative showbiz news
Pinakamalaking break ni MJ Marfori ang pagho-host ng “Showbiz Konek na Konek” dahil ito ang isang oportunidad para lalong mapaglinang ang kanyang galing bilang showbiz news reporter.
Bilang bagong mukha ng investigative showbiz news reporting, malaki ang pasasalamat niya sa TV5 sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.
Napapanood ka sa Aksyon gabi-gabi, ibig bang sabihin nito ay iiwan mo na ang nasabing programa in favor of your new showbiz talk show?
“Tuloy pa rin yung sa Aksyon ko. Pero mas malaki lang ang responsibilidad ko rito. Doon kasi sa Aksyon, tidbits ng showbiz balita lang ang inire-report ko pero rito sa “Showbiz Konek na Konek”, isa ako sa mga main hosts. Hindi lang ako mag-uulat kundi magbibigay ng opinyon sa mga isyu at tsikang pinag-uusapan,” paliwanag niya.
May mga nang-iintrigang may kumpetisyon raw kayo ni Gretchen Fulido na kilala rin sa larangan ng pagbabalita sa showbiz. Anong masasabi mo rito?
“Competitive naman talaga ang broadcast industry. Pero, wala naman talagang isyu sa amin ni Gretchen. College friends kami although hindi kami ganoon ka-close. May kanya-kanya naman kaming istilo when it comes to showbiz reporting,” pahayag niya.
Kung may isa kang showbiz celebrity na gustong interbyuhin, sino siya at bakit?
“Siguro si Gretchen Barretto. Makulay kasi ang buhay niya at siyempre, gusto ko ring marinig ang panig niya tungkol sa mga isyu niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid . Aside from being a celebrity, she is a news item herself,” pagtatapos ni MJ.
Sa kanyang pagsalang sa “Showbiz Konek na Konek”, asahan ang mas malalim na pagtalakay niya at pag-analisa sa mga isyung bumabalot sa local showbizlandia.
Si MJ ay nakatakdang ikasal kay GMA News reporter na si Oscar Oida sa Enero sa susunod na taon.
Kung meron mang isyu sa showbiz na nakaka-relate siya, ito ay ang isyu ng kasalan ng mga showbiz couples.
Ang “Showbiz Konek na Konek” na nagtatampok kina Bianca King, the fresh voice of showbiz opinions, IC Mendoza, the heir apparent and royalty of intrigues at MJ Marfori, the face of investigative showbiz news ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-11 ng umaga sa TV5.