
Sheena Halili denies conflict with Marian Rivera
Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa isang teleserye si Sheena Halili. Pero madalas naman siyang napapanood sa mga shows ng GMA 7. Sa Sabado ay mapapanood si Sheena sa Magpakailanman. Tinanong namin si Sheena kung ano ang role niya dito. “Ang role ko po sa Magpakailanman, asawa po ako dito ni Bunot, ni Mark Bautista. Kahit mahirap yung buhay naging matatag akong asawa. Sinamahan ko siya sa hirap at sa ginhawa. Iyon happy ending naman kami.”
Tampok sa Boses Ng Puso: The Roland Bunot Story ng Magpakailanman sa GMA ngayong Sabado, April 11 sina Sheena at Mark, at sina Frencheska Farr, Bing Davao, Anna Marin, Jak Roberto, Diego Castro, Casey Pher Arreglo, Harvey Almoneda at Raymond Bernas, sa direksyon ni Gina Alajar. “Ang madalas kong ka-eksena si Mark, first time ko siyang makatrabaho actually. Nung una nga medyo nahihiya, kasi sabi ko, ‘Di ba ikaw si Lastikman?’ Tapos tumawa lang siya. Napanood ko yun, e. Tapos napanood ko rin yung dating singing contest nila na sinalihan din ni Sarah Geronimo, di ba naging magka-loveteam din sila?”
“Sa eksena naman, nung unang eksena namin kasi parang uuwi kami sa probinsiya na mag-asawa na kami, buntis na ako, tinanong niya ako kung puwede niyang hawakan yung kamay ko, sabi ko, ‘Oo naman!’ Tapos sinabi ko din sa kanya na maging kumportable siya kasi mas artista ako at alam ko na singer siya although alam ko naman po na umaarte talaga siya, actually may movie na nga siya dati na siya yung bida, naka-partner na niya si Miss Sarah Geronimo.”
“Gusto ko lang ding iparamdam sa kanya siyempre dahil iyon nga napaka-gentleman din kasi niya na gusto ko rin na maging kumportbale lang siya dahil mag-asawa nga kami dun sa show. At magaan lang po kasi yung set namin. Madalas nga isang take lang, Very light lang naman at happy yung ending kasi nung story so happy ako na happy ending kasi yung mga dati kong Magpakailanman namatayan ako ng anak or nasunog ako, laging tragic yung ending. At least for a change, happy ending naman dito.”
Kasama pala si Sheena sa “The Richman’s Daughter” na pinagbibidahan ni Marian Rivera na malapit kay Sheena. “During my last show, nag-guest po ako sa Hiram Na Alaala. Hindi ko pa alam kung ano pa po yung iba pa nilang plano for me pero iyon nga po sinasabi sa akin nila Miss Gigi and Tita Becky may inaayos naman po sila for me.”
Dati ay sa GMA Artist Center (headed by Gigi Santiago-Lara) siya nakakontrata, pero ngayon ay kay Becky Aguila na si Sheena. Bakit siya nagdesisyong magpalit ng manager?
“Nasa GMA Artist Center pa rin naman po ako, hindi po ako nagpalit ng manager.
“Nagpa-co-manage lang po ako kay Tita Becky.”
Kumusta naman si Becky bilang manager? “Well bilang manager, kahit nung una ko pa lang siyang nakausap nung hindi ko pa po siya manager, naramdaman ko na yung talagang care niya, yun pong pagmamahal niya sa mga alaga niya. And hanggang ngayon po parang iyon nga po, para ko po siyang nanay po sa showbiz.
Hindi ba conflict na marami siyang “kapatid” sa management ni Tita Becky, like sina Jennylyn Mercado at Empress Schuck. Wala bang insecurities sa pagitan nilang mga talents?
“Naku wala pong ganun! Wala pong insecurities at all. Hindi ko nga po nararamdaman na marami po kami, e. Parang, sobrang tutok po kasi sila Katrina [Aguila, Becky’s daughter] and si Tita Becky. Pagka meron akong show, pag nakita nila yung mga ginawa ko, actually pinapanood talaga nila yung mga eksena ko and then magko-comment sila sa akin, may negative and positive and masaya ako na ginagawa nila iyon.
Sa tsikang may hidwaan sila ni Marian Rivera ay mariin niyang itinanggi ito. Hindi man daw madalas silang nagkikita ay wala daw nabago sa pagkakaibigan nila. Wala daw katotohanan na sumama ang loob niya dahil hindi siya kinuhang abay ni Marian sa kasal niya. Nandun nga daw siya sa nasabing kasal at natutuwa daw siya sa dami ng nagmamahal kay Marian na dumalo sa kanyang kasal. Ngayon nga ay magkasama sila sa bagong teleserye ni Marian at super tsika daw sila nang magkita sila.
Sa ngayon ay wala siyang karelasyon pero may nanligaw sa kanya last year at lumalabas labas daw sila pero hindi daw nag-work. Gusto daw niya sa lalaki na pareho ang priorities nila at iisa ang interes nila para walang away o conflict. Importante din daw na kasundo ng pamilya niya ang mapapangasawa niya. Asus pakakasalan din ang pamilya huh. Talbog !!!