May 25, 2025
Empress Schuck’s manager Becky Aguila disappointed over her pregnancy
Latest Articles

Empress Schuck’s manager Becky Aguila disappointed over her pregnancy

Apr 11, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

Empress Schuck 2 Balitang maagang tatapusin ang “Kailan Ba Tama Ang Mali?” bago lumaki ang tiyan ni Empress Shuck. Naapektuhan ang serye dahil sa kanyang kalagayan.

How true na nagpadala ng “Food For The Gods” ang kanyang manager na si Tita Becky Aguila sa GMA 7 na kung saan ay may note ito na nagso-sorry. Kalilipat lang kasi ni Empress sa Kapuso network at nagpabuntis agad.

Tatlong buwan na raw ang kanyang dinadala sa kanyang non-showbiz boyfriend na taga-Zamboanga.

Si Jennylyn Mercado ang nag-interview sa kanya sa ‘Startalk’ at doon niya ipinagkatiwala kung ano talaga ang kanyang situwasyon.

Sey ni Empress, childhood friend niya ang nakabuntis sa kanya pero more than one year na silang may relasyon.

Bago ang non-showbiz guy na ito, huling na-link sa kanya ay ang young actor na si Joseph Marco.

Nabigla ang mga magulang ni Empress sa kalagayan niya at noong una ay nahirapang tanggapin ng kanyang ina ang pagbubuntis niya.

Pero nandiyan ang kanyang manager at kaibigan na sumuporta sa kanya.

Balak ni Empress na bumalik sa showbiz pagkapanganak. Excited na siya sa pagiging ina.

Leave a comment

Leave a Reply