May 25, 2025
Is Mr. Chinatown 2014 Kurt Joshua Ong, Vice Ganda’s new boyfriend?
Latest Articles

Is Mr. Chinatown 2014 Kurt Joshua Ong, Vice Ganda’s new boyfriend?

Apr 13, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

kurt Kung noon ang mga nakakarelasyon ni Vice Ganda ay puro basketball player, ngayon ay mukhang hindi na siya mahilig sa basketeer, huh! Ang balitang karelasyon daw niya ngayon ay ang tinanghal na Mr. Chinatown 2014 na si Kurt Joshua Ong.

Totoo nga kaya ito? Kung totoo man ito, ang suwerte ni Vice dahil talagang gwapo si Kurt at maganda pa ang pangangatawan. Sa pagkakaalam namin, naging isang hurado sa It’s Showtime si Kurt. Doon sila siguro nag-meet ni Vice.

Si Kurt kaya, ano ang magiging reaksyon kaya nalaman o nakarating na sa kanya na nali-link siya kay Vice?

[divider]

Will Empress Schuck admits she’s pregnant?

Empress Schuck 2Balitang buntis ngayon si Empress Shuck at tatlong buwan na raw ang batang nasa kanyang sinapupunan. Ang sinasabing ama ng bata ay ang non-showbiz boyfriend niya na anak ng isang politiko from the South.

Bago raw lumaki o mahalata ang tiyan ni Empress ay tatapusin na ang serye niyang Kailan Ba Tama Ang Mali? kasama niya rito sina Max Colins, Geoff Eigenmann at Dion Ignacio.

Kung totoong buntis si Empress, aminin kaya niya ito o i-deny? Pero kung mawawala siya ng bansa at sasabihin niya na magbabakasyon lang siya na gaya nang ginagawa ng mga aktres na nabubuntis, siguradong buntis nga siya, di ba?

[divider]

Winwyn Marquez has moved on after losing from Bb.Pilipinas

wynwynHindi itinanggi ni Winwyn Marquez na ikinalungkot niya ang pagkatalo sa Bb. Pilipinas nang sumali siya rito. Pero kaagad naman daw ay nakapag-move on siya.

“Okay naman po ako. Back to normal na ang lahat. Balik lang sa mga dating ginagawa ko before. So okay naman po,” sabi ni Winwyn
Hindi man daw siya pinalad na manalo, masaya raw siya sa naging experience niya sa Bb. Pilipinas dahil ang dami raw niya ritong natutunan bukod pa sa nag-gain daw siya rito ng mga kaibigan,.

Leave a comment

Leave a Reply