
“I’d really, really like to do a kissing scene with Piolo Pascual.” – Sarah Geronimo
by PSR News Bureau
Marahil marami ang nagulat sa naging pahayag ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo nang sabihin nito sa harap ng media na gusto niyang magkaroon ng kissing scene sa Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual. “Hindi lang gusto, gustong-gusto kong magkaroon ng kissing scene kasama si Piolo,” matapang na sabi ni Sarah na marahil ikinabigla ng mga nakarinig. Aakalain mong nagbibiro ang singer-actress sa kanyang tinuran pero seryoso daw siya dito. Ayon pa sa kanya, siya pa raw ang magre-request nito sa management kung wala ito sa script.
May ginagawang pelikula sina Sarah at Piolo sa kasalukuyan na kanilang unang pagtatambal sa ilalim ng Star Cinema. “Mesmerized ako sa tuwing tititigan niya (Piolo) ako sa mata,” masayang kuwento pa ni Sarah. “Sa sobrang guwapo ba naman ni Piolo, sinong babae ang hindi matutunaw kapag tinitigan ka niya?”
Ayon pa sa Popstar Princess, magkakaroon daw ng kaunting pagbabago sa kanyang imahe sa pelikulang ito. “This is going to be different from the past films I’ve done. Kailangan kasi mag-mature ng konti, so I’m going to be showing off a woman’s silhouette or form, not necessarily some skin, pero yung makikita mo yung kaibahan ng shape or body form ng mga kababaihan.”
Wala bang dapat ipagselos si Matteo kay Piolo?
“Very understanding si Matteo. Alam naman ni Matteo na trabaho lang ito. Matagal ko nang ina-admire si Piolo. Sino ba namang hindi? Sa guwapo niyang yun?”
Ang tanong lang ng nakararami ay kung payag ba naman si Mommy Divine (dakilang ina ni Sarah) sa kanyang pagpayag na mahalikan ni Piolo Pascual? Hindi naman na ito idinetalye pa nang dalaga. Marahil bilang kilalang masunuring anak ay alam na ito ni Mommy Divine bago pa isiniwalat ni Sarah sa mga taga-media.
Promise ni Sarah, ibang Sarah Geronimo daw ang dapat na abangan ng kanyang mga tagahanga. “Hindi naman ibig sabihin na magpapaka-daring na ako dito. Pero susubukan kong ipakita yung character na kailangan sa role. Kaya I’m going to have a kissing scene here, first time yun,” kuwento pa ni Sarah sabay sa pagbungisngis na tawa nito.
Nang matanong ang singer kung kumusta na yung relasyon nito sa nobyong si Matteo Guidicelli at kung totoo ang balita na hindi daw boto ang ama niya sa actor bilang kanyang boyfriend, tumanggi si Sarah na pag-usapan ito. “Okay kami ni Matteo. Masaya nga ako at nagpapasalamat ako kasi sobrang understanding niya. Nayayakap ko siya, nahahawakan ko siya in public. Wala kasi kaming itinatago pa. Ito yung first legit na masasabi kong totoong karelasyon ko. Pero huwag na natin pag-usapan yung sa pamilya ko. Kasi darating din tayo diyan, kasi hindi naman sila taga-showbiz. Ibalato na lang ninyo sa akin yun,” pagtatapos pa ni Sarah.