May 25, 2025
Nikki Gil reveals her fiancé via Instagram
K3SN3 Latest Articles

Nikki Gil reveals her fiancé via Instagram

Apr 16, 2015

Antazo PSR pic
By Mary Rose G. Antazo
(Your Showbiz Buddy)

Kapamilya Star Patrol-Ipinakikilala na sa publiko ang fiancé ng singer-actress na si Nikki Gil sa Instagram account ng dalaga. Kilala ang singer-actress bilang pribado pagdating sa kanyang love life, pero mukhang mas nagiging bukas na ito ngayon sa fans at followers niya sa kanyang IG account.

A photo posted by Nikki Gil (@nikkigil) on

Ipinakita na ni Nikki ang larawan ng kanyang nobyong si BJ Albert, isang businessman na anak ng nagmamay-ari ng FILA Philippines na sina Cris at Butch Albert. Noong Wednesday, April 15, nag-post ng larawan si Nikki na may caption na: “My chinito boy.” Ikinakilig naman ito ng fans at followers ng 27-year-old na singer-aktres at umani ng positibong mga komento at tugon.
Congratulations to Nikki Gil and BJ Albert mula sa amin dito sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph)!

[divider]

Mariel moves on after child miscarriage by keeping herself busy

mariel-rodriguez-danica-sotto-lj-morenoKapatid Showbiz Konek-Naging very vocal si Mariel Rodriguez na masaya siya sa pagbabalik telebisyon ni Willie Revillame via the new show Wowowin under GMA 7. Nanghihinayang nga lang ito dahil hindi na siya makakasama sa bagong programa kung saan ay dati siyang co-host ni Willie.

“I’m very happy for Kuya, sa totoo lang kasi gusto talaga niyang magpasaya ng tao. Masaya ako para sa kanya,” sabi pa ni Mariel na co-host ng second season ng Happy Life, Happy Wife ng Kapatid network kung saan ay kasama niya sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag.

Meanwhile, naungkat muli kay Mariel ang nangyari sa kanya recently wherein she had a miscarriage. Slowly, nakaka-move on na raw siya sa bagay na ito although nakakaramdam pa rin siya ng sadness tuwing maaalala niya ito. First child sana nila ito ng kanyang husband na si Robin Padilla who has been very supportive at strong for her.

“Wala naman akong choice kundi tanggapin. May mga bagay talaga na wala kang choice. Alangan naman magmukmok ako for life, pero nahirapan talaga ako.”

Mabuti na nga lang daw at busy siya sa work ngayon kaya nakakatulong ito para siya ay makapag-move on.

“Sabi ko nga, ganoon ako kamahal ni God. Kasi ayaw ni God na matagal ako mag-dwell dun sa pinagdaanan ko. Gusto niya agad na makapag-move-on na ako. Parang binigyan Niya ako ng sigla ulit. So I’m really very grateful,” sey pa ni Mariel.

[divider]

Ai Ai is now a Kapuso

k1 copyKapuso Chika Minute- It’s official. Balik-Kapuso na ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas. Just this morning, April 16, she signed a two-year guaranteed contract sa 17th floor ng GMA 7. Present ang GMA officials na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Ms. Lilybeth Rasonable, at Ms. Redgie Magno at sobrang na-touch ito sa warm welcome na ipinakita sa kanya ng mga big bosses. Bongga rin ang set up at may red carpet pa really fit for a queen. Naging emotional pa ang aktres nang sabihin ni Atty. Gozon na personal favorite siya nito.

Sey pa ni AiAi, “I have returned… babalik na ako sa totoo kong bahay.”

Matatandaang sa Kapuso talaga nagsimula ang career ni AiAi at taong 1998 nang lumipat siya sa kuwadra ng ABS-CBN. Mahigit 15 years niyang naging tahanan ang Kapamilya at marami siyang naging proyekto dito at talagang humataw ang kanyang career. Pero sadyang may mga bagay nga raw na hindi maiiwasan kaya isang malaking desisyon ang kanya ginawa.
Pahayag pa niya sa kanyang IG post… “I was a loyal soldier… walang ibang dahilan, minsan work lang ito.”
Sa kanyang post pa sa IG account kahapon ay sinabi nitong “TOMORROW IS THE BIG DAY—thank you GOD FOR ALL THE BLESSINGS… Tom will be awesome—#aishallreturn”
May ipinost din siyang makahulugang passage at positibo siyang everything will be according to God’s will sa kanyang career. “God will never leave you empty. He will replace everything you lost. If He ask you to put something down, it’s because He wants you to pick up something greater.”

Nakatakdang gawin ng AiAi ang proyektong Let The Love Begin, a talk show with Ryzza Mae Dizon, a Sunday show at isang sitcom with Vic Sotto so expect a busy year ahead kay AiAi.
Welcome back to Kapuso Comedy Concert Queen!
Congratulations from your Philippine Showbiz

Leave a comment

Leave a Reply