May 25, 2025
“It’s like going home to meet my real mom after I’ve been taken cared of by my aunt. That’s how I feel about coming home to GMA 7.” – Ai Ai Delas Alas
Latest Articles

“It’s like going home to meet my real mom after I’ve been taken cared of by my aunt. That’s how I feel about coming home to GMA 7.” – Ai Ai Delas Alas

Apr 16, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

AI AI copyUmiyak ang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas sa mga sinabi ng GMA Chairman and CEO na si Atty.Felipe Gozon na nagbakasyon lang si AI Ai at nagpunta sa iba pero ngayo’y nagbalik na sa Kapuso network . Hindi lang daw magaling na komedyante si Ai AI kundi paborito pa niya. Nasa contract signing sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Ms.Lilybeth Rasonable at Ms. Redgie Magno.

Nandito na po ako sa dati kong tahanan. Ang buhay ko ay parang buhay ko sa showbiz kasi po ang paglipat ko ay parang doon po sa probinsya na kinuha ako ng auntie ko, pinag-aral ako sa Maynila . Ngayon galing ako sa totoo kong nanay, ito ngang GMA tapos napunta ako sa Kapamilya, ‘yun ‘yung nanay na nag-alaga sa akin, ngayon po ay babalik na ako dito sa totoo kong nanay. Ang kaibahan lang po ay nung bumalik ang totoong nanay ko, may Alzheimer na po siya pero ang GMA ay hindi po ako kinalimutan,” deklara niya.

Ilan sa mga nakatakdang proyektong gagawin ni Ai Ai sa GMA 7 ay ang teleseryeng “Let The Love Begin,” isang talk show kasama si Ryzza Mae Dizon, isang Sunday show, at isang sitcom kasama si Vic Sotto.
k1 copyUmabot din ng 16 years bago bumalik ulit sa GMA si Ai AI. Gusto niya ay happy lang ang paglipat niya, walang personalan at trabaho lang.

Sinagot din niya ang katanungan na isa sa dahilan na lumipat siya sa GMA ay dahil kay Kris Aquino.
Natawa siya: “Nakakaloka ang ganyang mga tanong. Ang gusto mong sagot ko ay oo, hindi joke lang ha!ha!ha!
Hindi naman, ano ba? Di ba nagkabati na nga kami nu’ng kasal nina Kambal (Marian Rivera), so ‘yun na ‘yun,” sagot niya.

Ang pagbabati ba na ‘yun ay bumalik sa dating friendship?

Siyempre, iba na ngayon. Una sa lahat hindi na kami roommates, magkapitbahay na lang kami. A former friend and a former roommate,” sabi pa niya.
Hindi pa raw alam ni Ai Ai kung tatapatan nila ni Ryzza Mae ang talk show nina Kris at Bimby Aquino Yap.

Leave a comment

Leave a Reply