May 24, 2025
Netizens react over Maja-Gerald breakup
K3SN3 Latest Articles Uncategorized

Netizens react over Maja-Gerald breakup

Apr 17, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

25geraldStar Patrol– Bumuhos ang reaksyon sa kumpirmasyong break na sina Maja Salvador at Gerald Anderson at iba’t-iba ang reaksyon ng netizens ukol dito. Kanya-kanya ng pagtatanggol ang fans ng dalawa at marami nga ang nanghininayang na sa break up din nauwi ang mahigit dalawang taong relasyon nila. Nagsimulang lumabas ang balitang hiwalayan nang magkahiwalay silang nag-spend ng Holy Week.

Pag-amin ni Gerald, “Opo, opo, we are taking a break muna sa relationship namin but okay kami, we are in good terms at nag-uusap kami and we are doing this together, we are taking step by step together. I don’t want to go into details at hayaan nyo muna kaming mag-recover dahil mabigat na rin at hindi biro ang aming pinagdaanan namin.”

Matapos aminin ng aktor ang real score sa kanila ni Maja ay agad bumuhos ang reaksyon ng mga netizens sa social media.

geraldNegatibo at posibo ang mensahe ng mga fans sa isyu na ito. May nagsasabing nabulag daw kasi si Maja kay Budoy at ito raw ay karma. Ito raw ang napala ni Maja sa pagpalit sa best friend niyang si Kim Chiu para kay Gerald, sayang daw at ipinagpalit nito ang friendship nila. Pero may mga nagtatanggol naman at nagmamalasakit na marahilay kailangan lang talaga nila ang space sa isa’t isa para mag-workout at maisalba pa ang relasyong ito lalo pa’t pareho silang busy sa kani-kanilang teleserye, si Gerald sa Nathaniel at si Maja sa Bridges of Love.

Ang ilang fans din ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo naman ay natutuwa rin. Feeling nila nailigtas ang idolo nila dahil hindi nga nagtagal ang anumang namagitan dati sa pagitan nina Gerald at Sarah. Vindicated naman ang Mommy Divine ni Sarah dahil patunay lang na hindi pa rin kumakawala ang imahe ni Gerald na parang ‘palikero’ at tipong hindi pa kayang maging seryoso sa isang relasyon. Hindi raw ang tipo ni Gerald ang gustong manugangin nina Mommy Divine.

Ang ilan naman ay nagsasabing marahil daw ay may iba pang lalaking mas deserving para sa pag-ibig ng idolo nilang si Maja at mas maigi raw kung hindi ito taga showbiz. Nang hingan ng reaksyon si Maja ay ayaw pa raw nitong magbigay ng pahayag. Nagpasya raw ito na hindi na magbigay ng komento sa paghihiwalay nila ng aktor noong Pebrero pa.

Bukod kay Kim, nauna pang nakarelasyon ni Gerald sina Sarah Geronimo at Bea Alonzo, samantalang si Maja naman ay naka-relasyon sina Carlo Aquino at Matteo Guidecelli na nakasuntukan pa si Coco Martin noon dahil sa matinding selos.

Samantala, sa issue na ito ay humingi na lang ng pang-unawa si Gerald sa panahong ito at sinabi nito na ” Thank you sa fans namin who has always been there for us, sa family and friends namin and all we ask right now is to respect our privacy, please respect her.

Meanwhile, makahulugan naman ang post ni Maja sa kanyang IG account, sinabi nitong mahirap siyang iwan ng mga kaibigan dahil nag-iisa lang ang Maja Salvador at naniniwala pa rin daw siya sa pag-ibig.

[divider]

Mikael Daez excited to be working with rumored girlfriend Megan Young

22mikaelKAPUSO CHIKA MINUTE– Malaki ang chance na magkasama sa isang teleserye ang Kapuso star na si Mikael Daez at ang rumored girlfriend niyang si Miss World 2013 Megan Young ngayong pumirma na ito ng kontrata bilang Kapuso contract star. Isa nga sa naging masaya sa pagbabalik ni Megan sa kuwadra ng GMA 7 ay si Mikael.

“Siyempre masaya naman ako, I’m excited for her. And for the network, I mean, we have a beauty queen in GMA and if ever magkasama kami sa isang project, why not, di ba? I’ll be excited and its really an honor to be working with her.”

May mga bali-balitang si Megan ang napipisil para gumanap sa Marimar, given the chance na siya ang mapili bilang ka-partner nito, ano ang kanyang magiging reaksyon dito?

“That’s up to GMA. Ako, I’m always open, that would be a big blessing. Kung mangyayari, mangyayari.”

Nang matanong naman kung ano na nga ba ang real score sa kanila ni Megan ay panay pa rin ang iwas at ayaw magbigay ng komento ni Mikael sa sinasabing relasyon nila ng beauty queen. Pero sa ngayon daw ay wala pa naman daw sinasabi sa kanya regarding sa Marimar project. Basta sa ngayon, happy siya sa trabahong ibinibigay sa kanya ng GMA 7.

“Ako naman, siyempre this is work, iba na ‘yan, walang personalan ‘pag work. Time will come when GMA thinks that you’re ready, so ganun lang naman yun. I’m very patient, I’m very thankful for the work I’ve received,” sambit pa nito.

Ibinalita rin ni Mikael ang isa sa masasabi niyang malaking projects sa kanya para sa taong ito. Magkakasama sila ni Andrea Torres papuntang Cambodia upang gawin ang bagong mini- TV series na Blood in Dispute na co-produced sa kauna-unahang pagkakataon ng GMA at ng isang foreign TV station, ang Cambodia TV Network o CTN.

Makakatrabaho nina Mikael at Andrea ang international actors na sina Khat Vaihang, Maes Thorn Sreynai, at Tep Rindaro. Ang direktor nito ay ang acclaimed Canadian director na si Ken Simpson.

[divider]

Shaira Mae dela Cruz impresses Hong Kong Disneyland’s Musical Director

Shaira Mae interprets 'Find Your Light', a song originally written for the Filipinos who work at Hong Kong Disneyland. (Photo by Edwin P. Sallan/Interaksyon)
Shaira Mae interprets ‘Find Your Light’, a song originally written for the Filipinos who work at Hong Kong Disneyland. (Photo by Edwin P. Sallan/Interaksyon)

Kapatid Showbiz Konek– Maraming dapat ipagpasalamat ang aktres na si Shaira Mae de la Cruz, hindi lang dahil sa pag-usbong ng kanyang career kung hindi sa dami ng blessings na patuloy na dumarating sa kanya. Isa siya sa bida ng “The Magic In You” kasama ang katambal na si Mark Neumann. Ito ang ika-apat na pagbibida ng dalaga sa Wattpad Presents ng TV 5. Nag-shoot sila nang halos isang lingo sa Hong Kong Disneyland at ayon kay Shaira Mae ay sobrang nag-enjoy siya habang ginagawa nila ito.

Hindi malilimutan ni Shaira Mae ang nasabing palabas dahil nagkaroon siya ng pagkakataong mag-record ng kantang “Find Your Light,” isang awitin na talagang isinulat para magbigay-pugay sa mga Overseas Filipino Workers. Masaya rin ang aktres dahil ang nasabing awitin ay nai-record niya sa patnubay ni Rony Fortich, ang lalaking sumulat ng nasabing awitin at matagal nang naglilingkod bilang musical director ng Hong Kong Disneyland sa loob ng siyam na taon.

“I’m so thankful for this opportunity and at the same time honoured to be working with Sir Rony. Imagine, he took time out from his work in Hong Kong and came home just to help me out,” kuwento pa ni Shaira.

Ito ang ikalawang beses ni Shaira na mag-record ng awitin sa isang “Wattpad Presents” series. Pero ayon na rin sa pag-amin ng dalaga, mas kinabahan daw siya sa pag-awit ng “Find Your Light.”
“First of all, I’m not really a good singer. Second, I saw the performance of the original singer, Ms. Rochelle ‘Raki’ Vega, and she was so good. Na-pressure talaga ako,” pag-amin pa niya. Ang hindi alam ni Shaira, wala naman talaga siyang dapat ipagalala dahil sa katunayan nga, na-impressed sa kanyang performance si Rony Fortich.

Paglalarawan pa ni Fortich kay Shaira Mae: “She’s incredibly wonderful. At first she was understandably nervous but as we went along, she became more confident. There’s such a life about her, a brightness which is perfect for the show and perfect in representing the spirit of the song.”

Binigyan pa ng advice ni Fortich ang aktres, “Mag-take daw ako ng voice lessons kasi may potensiyal daw po ako bilang singer. Coming from someone like him who has been involved with music for a long time, I feel blessed and lucky to have him around to help me.”
Wattpad Presents: The Magic in You airs on TV5, Friday at 9PM.

Leave a comment

Leave a Reply