May 24, 2025
“I enjoy being single. I have more time for myself, for my family and friends and I’m more focused on work as well.” – Jasmine Curtis-Smith
Latest Articles

“I enjoy being single. I have more time for myself, for my family and friends and I’m more focused on work as well.” – Jasmine Curtis-Smith

Apr 17, 2015

by PSR News Bureau

DSC_0110 Marami ang nakapansin na pagkatapos makipaghiwalay ni Jasmine Curtis-Smith sa nobyong si Sam Concepcion, naging mas madalas ang pagkakaroon nito ng mga sexy pictorials para sa ilang glossy magazines. Nauna na nga rito ang pagpo-pose ng aktres nang naka-two piece swimsuit para sa Men’s Health, Trip, Uno at Rogue magazine.

Hindi naman nakapagtataka dahil bagamat wholesome ang image ni Jasmine kung ikukumpara sa kanyang Ate Anne, napakaganda at seksi rin naman nito. Wholesome pa rin ang dating ng dalaga at hindi bastusin, ika-nga nila, “may class.” Pero nilinaw mismo ni Jasmine na hanggang pictorial pa lang ang kanyang papapaka-daring. “It’s not naman about going sexy na talaga. Ang focal point of the pictorials is for the health campaign ng magazine nila.”

I’m already 21, so hindi na bumabata kaya kailangan ma-establish na yung healthy lifestyle. And ayokong isipin ng tao na yun (pagiging daring) ang magiging career path ko.

Hindi raw kaya ng powers ni Jasmine na tapatan ang kanyang ate sa larangan ng pagpapa-sexy. “Naku, ibang level naman po si ate. Hindi po ako ganun ka-palaban. Iba ang pagiging fit nun. Hindi ko pa kaya ang ganun,” sagot ni Jasmine.

Katatapos lang magdiwang nang kanyang kaarawan ang aktres noong April 6 kung saan nagdaos siya at ang kanyang pamilya kasama ang ilang malalapit na kaibigan ng isang simpleng selebrasyon na ginanap sa Thailand habang sila’y nagbabakasyon.

Sa ibinigay na birthday presscon para kay Jasmine nitong Martes ng kanyang talent management na Vidanes Celebrity Marketing sa Discovery Suites, tinanong sa aktres kung meron na bang kapalit si Sam Concepcion sa buhay niya, tugon ng dalaga, wala siyang boyfriend ngayon at hindi totoong nagkakamabutihan na sila ni Paulo Avelino na nakipaghiwalay na rin kay KC Concepcion.

I am enjoying my life now. Masarap rin maging single kasi mas may time ka sa sarili mo, sa family at friends mo. Naka-focus ako ngayon sa trabaho at sa ilang charity works kabilang na ang World Vision,” sabi pa ni Jasmine na bagong youth ambassador ng naturang foundation.

Pero anumang pangungulit ay tikom pa rin ang bibig ni Jasmine sa nagging dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa dating nobyong si Sam Concepcion. Hindi rin niya nilinaw ang tsismis tungkol sa lumabas na larawan nila ni Paulo Avelino na magkasama. Aniya,“I just want to respect everyone, their privacy, their private personal life.

But yung kay Paulo, like I said, it was a group dinner. Like he (Paulo) said, co-workers go out and kasama naman po ‘yung direktor namin doon. It’s been answered already.

Mayroon kasing pelikulang ginagawa ngayon sina Paulo at Jasmine kung saan kasama rin nila si Isabelle Daza. Dahil parehas silang kagagaling lang sa isang relasyon, kaya akala tuloy ng marami, lumalabas na sila bilang magka-date. Muli, pinabulaanan ni Jasmine na hindi ito totoo at magkaibigan lang talaga sila ni Paulo.

1Nang may nagtanong kung nag-open up ba si Paulo sa kanya tungkol sa paghihiwalay nila ni KC? “Tingin ko naman po it’s not fair for me to disclose any information that might have shared with me. Like I said, respect for him, whatever is going through, whatever he is facing much like I’m sure other artists that I’m friends with would respect me and what I share with them.

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang bashers at mga nagkokomento ng mga negatibo laban sa kanya?

I think all artists are quite misunderstood. Siyempre nakikita kami as how we are presented. Ganun talaga, eh.

Kahit ano naman ang ipakita namin sa inyo kung paano kami in real life through our social media accounts, meron pa rin kayong ibang makikita through what is shown in the news or what is written about us in magazines or newspapers so I can’t help that. It’s fine,” paliwanag pa ni Jasmine.

Busy ngayon ng Kapatid actress sa pagiging youth ambassador nga ng World Vision Foundation. Nag-pledge ang dalaga na maghahanap ng sponsors para sa 21 kabataan na inaalagaan ng WV para mabigyan ang mga ito ng magandang kinakabukasan as kabila nga ng kanilang kahirapan.

Actually, matagal nang supporter ng World Vision si Jasmine at isa na ring foster parent sa ilang kabataang nasa pangangalaga ng WV. “For the past four years, I’ve been receiving cards, letters and photos from my World Vision kids.

It’s so heartwarming to see that they’re doing well in school and honing their talents. Nakaka-touch talaga,” pahayag pa ni Jasmine.

Patuloy na mapapanood si Jasmine bilang host ng Move It kasama ang dating child star turned DJ na si Tom Taus. Ang Move It ay isang reality talent search ng TV5 kung saan naglalaban-laban ang mga magagaling na dance group mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Leave a comment

Leave a Reply