
“I want to prove that I’ll always be the son of Dolly Anne Carvajal and the grandson of Inday Badiday.” – IC Mendoza
Hindi na bago kay IC Mendoza, the heir apparent and royalty of intrigues ang pagho-host ng showbiz talk shows dahil naging mainstay na siya noon ng defunct show na “Juicy” ng TV 5.
Sa kanyang pagbabalik, bibigyan niya ng bagong bihis ang “Showbiz Konek na Konek” sa kanyang kakaibang istilo ng hosting at reporting.
Ano ang kaibahan ng pagho-host mo ngayon kumpara sa dating talk show na kasama ka?
“Yung dati, hindi ako masyadong hands-on. Dito, masasabi kong mas hands-on ako kasi may mga creative inputs ako. I do pr job also kasi kaya iyong koneksyon ko ay nagagamit ko sa pag-cover ng mga showbiz at showbiz-related events,” lahad niya.
Ano ang inaasahan ng mga viewers sa iyong pagbabalik?
“Gusto kong patunayan na, ‘I’ll always be the son of Dolly Anne Carvajal and the apo ni Inday Badiday.’ Mas mature na ako to tackle more issues sa showbiz. Ready na ako to tackle anything. Iyong aspeto ng digital, yun ang aming palalakasin. Kumbaga, may platform na kami. More fast-paced rin siya at interactive kasi yun mga viewers could share their thoughts, feedbacks and reactions sa show,” sabi pa niya.
Ano ang mga bagong segments ng show na dapat abangan ng sambayanan?
“May I.C.U. ako every Monday at rarampa ako sa mga events around the metropolis. Meron ring TKO Trending Ka O, kung saan isasalang sa hot seat ang celebrity of the moment. Siyempre, hindi mawawala ang mga blind items, mga updates sa mga artista at saka may TGIF tuwing Friday kung saan ire-rebyu ng isang guest stylist ang fashion sense ng ating mga celebrities at marami pang iba”.
Sa mga isyu sa showbiz na nakaka-relate ka, saan ka nakaka-connect?
“Nakaka-relate ako sa mga celebrity breakups. When I see na heartbroken si boy o si girl, doon ako nakaka-connect kasi pinagdaanan ko rin iyon,” pagtatapat niya.
Kung sakaling may isyung sangkot ka o ang isang kaibigan, willing ka bang talakayin iyon sa inyong show?
“Dapat lang para walang bias. A friend is a friend but a scoop is a scoop. Wala akong sasantuhin. Never naman akong nag ‘no comment.’ Pero siyempre, dapat may due process. Para fair to all those concerned, you have to take all sides and angles sa isang controversy,” parting words niya.
Kasama ni IC Mendoza sina Bianca King at MJ Marfori sa pagho-host ng “Showbiz Konek na Konek,” ang pinabagong showbiz tsika connection ng bayan na mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-11 ng umaga sa TV 5.