May 24, 2025
Rhian Ramos replaces Marian Rivera in The Rich Man’s Daughter
Latest Articles

Rhian Ramos replaces Marian Rivera in The Rich Man’s Daughter

Apr 20, 2015

by PSR News Bureau

d427e0b09 Matapos magbitiw ni Marian Rivera sa The Rich Man’s Daughter noong Biyernes, April 17 dahil sa maselang kondisyon nito sa kanyang pagdadalantao, maraming naging espekulasyon ang fans kung sino an maaaring pumalit sa Kapuso primetime queen. Ngayon nga ay mayroon ng kumpirmasyon mula sa pamunuan ng GMA 7 na may napili na silang papalit kay Marian sa nasabing serye. Si Rhian Ramos ang papalit sa papel na iniwanan ni Marian bilang si Jade Tanchingco.

Ang The Rich Man’s Daughter ay isang kontrobersiyal na teleserye na tumatalakay sa pakikipag-relasyon sa kapwa babae. Kaugnay ng nasabing teleserye, nagpagupit pa nga ng maikling buhok panglalaki ang isa sa mga artista nito na si Chynna Ortaleza upang mas maging makatotohanan ang kanyang pagganap.

Naiintindihan ng GMA 7 ang ginawang desisyon ni Marian kaugnay ng kanyang pagbibitaw sa nasabing role dahil sa kanyang delicate pregnancy sa kanilang panganay na anak ni Dingdong Dantes.

Malugod namang tinanggap ni Rhian ang nasabing role. Aniya, “Nagpapasalamat po ako sa tiwalang ibinigay ng GMA na gampanan ang role na Jade sa teleseryeng The Rich Man’s Daughter. I look forward to the challenge of portraying the character. My best wishes and congratulations to Ate Marian Rivera Dantes! I wish her a happy, comfortable, and safe pregnancy.

Leave a comment

Leave a Reply