May 23, 2025
“Miguel (Tanfelix) and I are special friends, nothing more than that because I’m still young, I’m only fifteen.” – Bianca Umali
Latest Articles

“Miguel (Tanfelix) and I are special friends, nothing more than that because I’m still young, I’m only fifteen.” – Bianca Umali

Apr 21, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

Napaka-sweet ng image ng Kapuso teen actress na si Bianca Umali. Pero may kasabihan nga na: “Looks can be deceiving.” Sa mala-anghel na mukha ng aktres, hindi mo aakalain na ang nakakahiligan niyang sports ay Muay Thai. Kaya’t laking gulat ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) n gaming malaman ang kanyang paboritong sport.

10632100_1486315861627379_1536061185_nBibihira sa gaya niyang 15 year old girl na magkaroon ng interes sa isang martial arts tulad ng Muay Thai. Bakit naman sa lahat ng puwedeng kahiligan ay sa Muay Thai siya nagkaroon ng interes?

Kasi aside from it’s very different, lahat ng parts ng body mo, yung arms and legs nagagamit. And it’s fun,” paliwanag ni Bianca. “Pero hindi pa po ako ganun kagaling. Basic moves pa lang ang alam ko.

Pisikal at medyo delikadong sports ang Muay Thai. Hindi ba siya natatakot na baka mangyari na magkaroon siya ng injuiries dahil dito?

Hindi po,” pagmamalaki pa ng Kapuso young actress.

Gaano kadalas ba siyang mag-Muay Thai?
Once or twice a week po.

Kapag naging bihasa na siya sa Muay Thai, baka kasindakan na siya ng mga guys. Mangilag na ang mga ito na pormahan o ligawan siya.

Hindi naman po siguro. Wala pa rin naman po sa isip ko ang magpaligaw.

Mahilig din umano siyang manood ng boxing. Particularly yung mga naging laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Kasi my dad and my tito, they love watching Manny Pacquaio. So ako, nakikinood ako kahit wala akong masyadong naiintindihan. Pero parang kasi kapag nakikita ko si Manny, parang sobra siyang pawis. So ako gusto ko ring maranasan ‘yun kasi ang bilis mag-burn ng fats!” nakangiting sabi pa ni Bianca.

Malapit na ang laban ni Manny kontra kay Floyd Mayweather. At gaya ng halos lahat ng Pilipino, inaabangan din daw niya ito.

“I would like to support him also. By prayers, yun ang unang-una talaga… prayers kay Papa God. And alam ko naman na even Manny is also dedicated kay Papa Jesus and sa family niya ‘yung ginagawa niya. Doon siguro ako makakapag-contribute, sa pagdadasal for him.”

Nalalapit na ang pagtatapos ng Once Upon A Kiss na pinagbibidahan nila ni Miguel Tanfelix. Magkahalong lungkot at saya raw ang nararamdaman ni Bianca kaugnay nito.

budding_romance_in__bohol__bianca_umali_and_miguel_tanfelix_1413870168Actually okay lang naman po. Kasi lahat naman po ng shows ay dumarating sa point na natatapos. And Miguel and I are looking forward for a new project.”

Si Miguel pa rin talaga ang gusto niyang makapareha sa anumang sunod na project na gagawin niya?

Opo. Pero I’m also open to working with new people. Kung sino po ang gusto ng management ng GMA na maging ka-trabaho ko. But mas okay po kung si Miguel pa rin.

Sa pagtatapos ng Once Upon A Kiss, saang estado na nakarating ang closeness nila ni Miguel? Napapabalita kasing nagkahulugan na sila ng loob at may mutual understanding na?

We’re special friends. Hindi pa po puwedeng maging more than that. Bata pa po ako, I’m only 15.

Pero may mga nanliligaw ba sa kanya o nagpaparamdam na ibang guys pa?
Wala po. None yet because I don’t entertain admirers or suitors.

Ipinagbabawal pa ng parents niya na magpaligaw siya?
Bawal po sa sarili ko. Ako po yung may ayaw pa.

May bago na bang pinaplanong project ang GMA para sa kanya o sa loveteam nila ni Miguel?

Waiting pa po.”

What does she plan to do pagkatapos ng Once Upon A Kiss habang wala pa itong kasunod na gagawin niya?

Rest!” sabay ngiti ulit ni Bianca. “Number one, rest. Tapos study.

Saan ba siya nag-aaral?

Home schooled po ako, third year high school na po.”

And after high school ano bang course ang pina-plano niyang kunin?

Marami po akong gustong i-take, e. Hindi pa po ako nakakapag-decide.

Wala pa ba silang pelikulang gagawin din ni Miguel?

Sana din po magkaroon. Hindi ko pa rin po alam.”

Leave a comment

Leave a Reply