May 23, 2025
Julie Anne San Jose slims down through Muay Thai and boxing
Latest Articles

Julie Anne San Jose slims down through Muay Thai and boxing

Apr 21, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

Ang laki ng ipinayat ni Julie Anne San Jose. Talagang pinagsikapan daw niya na ma-achieve ang slim na niyang pangangatawan ngayon.
“Before kasi nag-boxing ako dati, sabi ko, parang kulang pa,” bungad niya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa Sunday All Stars.

5597396_orig“And ang ginawa ko, nag-cardio ako. Nagba-bike ako, stationary bike lang.
Tapos, a lot of cardio nga and rope lang!”

And speaking of boxing, isa raw si Julie Anne sa mga excited na nag-aabang sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Floyd Mayweather.

“Oo naman! Kasi di ba, Pambansang kamao talaga?At saka lahat naman ng tao talagang iniidolo siya, di ba? Inspirasyon siya para sa lahat particularly sa mga nagba-boxing. And you know of course, yung boxing, it’s a good sport. And it’s good din para sa pagtu-tone ng katawan.”

“I punch hard. Pero hindi lang naman boxing yung ginawa ko before. Nagmu-Muai Thai din ako. Sabay ko siya ginawa.”

Happy naman daw si Julie Anne sa pagpayat niya. May iba pa ba siyang gustong ma-enhance sa kanya physically na sa tingin niya ay dapat o kailangan din mabago pa?

“I don’t know. Hindi ko alam. Hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin pa yung mga ganoon, e. Basta ako, nagtatrabaho lang. And kung enhancement rin lang, ayoko, takot ako e. Although importante kasi sa aming trabaho yun eh. Kapag celebrity ka, kailangan talaga presentable ka. Alam mo yun?”

7576273_orig“At saka kapag public figure ka, people look up to you. They always see the good side in you. So kailangan mong i-maintain yung healthy image mo. At pagiging fit, di ba?”

“Hindi naman sa sobrang kailangang maging payat na payat. Though kailangan medyo yun nga, kailangang i-maintain mo talaga. Kasi nagi-gain ng pound pagdating sa TV screen, di ba? I think mga ten pounds.”

Ilang pounds ba ang na-lose niya at gaano katagal bago niya na-achieve ito?

“I think I lost 7 to 8 pounds. In a matter of mga three weeks.”

Ano ang mga bagong abangan sa kanya?

“Magkakaroon po ako ng bagong album this year. We’ll be starting to work on it soon.”

May plano rin daw na bagong soap for her ang GMA. Pero hindi pa niya alam kung sino ang kanyang magiging leading man.

Pero kung siya ang tatanungin, sino kayang Kapuso aktor ang sa tingin niya ay interesting talaga to be paired or work with?

“I’m always looking forward to be working with a lot of good actors and actresses talaga. Kasi alam mo yun, sila ang magdadala sa ‘yo? Sila ang tutulong sa ‘yo para mapabuti pa yung craft mo.”

Nasabi na ba sa kanya ng management ng GMA kung anong tema ang bagong soap na gagawin niya?

“Parang drama. About family ang story. Hindi ko pa alam kung kailan kami mag-start ng taping. Wala pa kaming story conference. But I’m really looking forward to it. Excited na ako habang pinaghahandaan ito,” sabi pa ni Julie Anne.

Leave a comment

Leave a Reply