
“If given the chance, I’d want to be paired with Alden Richards.” – Andrea Torres
Usap-usapan ang malaking posibilidad na pagtatambal ng nagbabalik-Kapuso at Ms. World 2013 na si Megan Young at ang rumored boyfriend nito na si Mikael Daez. Pero paano naman si Andrea Torres na katambal ni Mikael?
Sa isang panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) kay Andrea, sinabi ng Kapuso actress na alam naman niyang may posibilidad na mangyari ang mga ganoong bagay lalo na sa nature ng kanilang trabaho. Wala naman daw kaso yun sa kanya at hindi rin naman daw niya ipagdadamot si Mikael sa iba pang Kapuso leading ladies.
Ngunit bago mangyari ang posibilidad na iyon ay magkakasama ulit sina Andrea at Mikael sa upcoming project nilang “Blood In Dispute,” isang mini series na co-produced ng GMA Network at Cambodian Television Network (CTN). Pang-apat na proyekto na ng loveteam nina Andrea Torres at Mikael Daez ang upcoming mini series.
Nagkaroon ng solid fanbase ang loveteam nila sa Cambodia matapos i-ere ang kanilang Afternoon Prime Soap na Sana Ay Ikaw Na Nga. Simula noon ay naging popular at in-demand na sila sa Cambodia.
Dahil dito, tinupad nila Andrea at Mikael ang request na maging bida sa isang programa sa Cambodia.
Lumipad na ang dalawa papuntang Phnom Penh para simulan ang taping ng “Blood In Dispute.” Halos tatlong linggo silang mananatili doon upang tapusin ang lahat ng eksena sa Cambodia. Kakailanganin kasi nilang bumalik dito sa Pilipinas para sa ilan pang eksena na kukunan naman nila sa Manila.
Excited naman ang Kapuso loveteam dahil bukod sa mainit na pagtanggap ng kanilang mga fans doon ay first international project din nila ito. Nagpahayag ang dalawa na isang pribilehiyo ang makatrabaho ang ilang international actors at creative team, lalo na ang acclaimed Canadian director na si Ken Simpson.
Kung sakali mang magpahinga na ang kanilang tambalan, sinabi ni Andrea na sana ang susunod niyang maka-partner ay si Alden Richards.Paliwanag pa ng Kapuso actress,“Makikita mo sa kanya (Alden)na seryoso siya sa ginagawa niya, sa pag-arte niya, sa craft niya.” Dagdag pa ni Andrea, nagagalingan siyang umarte kay Alden at alam niyang madadala siya nang husto kung sakaling makaka-eksena niya ito.
Open din naman si Andrea kung sakaling itambal pa siya sa iba pang Kapuso leading men. Gusto niya rin makatrabaho ang ‘My Husband’s Lover’ stars na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Ayon pa sa kanya, ang mga ganitong pangyayari ang nagbibigay sa kanya ng chance para mag-grow bilang isang artista.