May 23, 2025
Faces and Places Latest Articles T.V.

ABS-CBN issues public apology to PNP regarding the controversial JaDine teleserye ‘bridal shower’ scene

Jan 14, 2016

 

Nag-issue na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN ukol sa hinaing ng ilang miyembro ng Philippine National Police na nakapanood ng “bridal shower” na eksena sa seryeng On The Wings Of Love [OTWOL] na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at James Reid.

Hindi nagustuhan ng ilang kapulisan ang pagsusuot ni James Reid ng PNP uniform sa naturang eksena sa OTWOL bilang si Clark. Napanood kasi sa nasabing eksena si James na pinosasan si Nadine bilang si Leah na malapit nang ikasal sa kanya. Matapos noon ay dinala ni James sa isang upuan si Nadine at sa harapan nito ay unti-unting hinubad ang kanyang suot na PNP uniform habang sumasayaw na parang isang male stripper.

Sa dami ng tagasubaybay ng OTWOL, kaagad na naging viral ang nasabing video kung saan napanood ng ilang kapulisan at hindi nila ito ikinatuwa. Hindi raw magandang tingnan na ginagamit ang kanilang uniporme sa mga ganung klaseng eksena mapa-TV man o pelikula dahil nakakababa daw ito ng moral ng mga pulis.

Komento ng isang netizen: PNP top management should not tolerate this… I Believe in PNP transformation and police officers are painstakingly doing it wholeheartedly… To degrade this would be a direct insult to all the effort the PNP is doing for its image.”pnp1salute

Kaugnay nito, agad namang humingi ng paumanhin ang produksiyon ng OTWOL sa lahat ng na-offend ng nasabing “bridal shower” scene sa serye. Narito ang kabuuan ng statement na ipinalabas ng ABS-CBN:

“On the Wings of Love” would like to apologize for a short scene that aired last Monday (January 11), which unfortunately showed the main character Clark dancing as a policeman for Leah in her bridal shower.
“The program has called the attention of its production team and assures the public that there was no intention to disrespect the sanctity of the Philippine National Police (PNP) uniform.
“We do not want to jeopardize our good relations with the PNP and will make sure that it will not happen again.”

Leave a comment

Leave a Reply