
“ABS-CBN no longer wants me” – Kris Aquino
Maraming nagme-message kay Kris Aquino na followers niya sa kanyang Instagram account na bumalik na lang daw siya sa ABS-CBN 2 na naging tahahan niya for 20 years.
Ang sagot ni Kris ay “But ABS CBN no longer wants me.“
So ayun na, sa naging sagot ni Kris sa kanyang followers, ibig sabihin ay sinubukan niya pa ring bumalik sa Kapamilya network pero hindi na siya nito tinanggap, na ayaw na nito sa kanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng ABS-CBN sa naging pahayag na ito ni Kris?
**********

Totoo kaya itong naririnig namin na balak na ng na tsugiin sa ere ang “Oh My Mama” na bida si Inah de Bellen? Ang mababang rating daw ang dahilan at konti lang daw ang pumapasok na commercials dito.
Sabagay, kung ganyang bagsak sa rating at hindi kumikita ang istasyon sa show dahil nga hindi pinapasok ng commericals, bakit pa nga naman nila itutuloy na ipalabas ito. Might as well na sibakin na nga lang nila ito sa ere. ‘di ba?
May mali rin naman kasi sa GMA 7. Alam naman nilang baguhan pa lang si Inah sa showbiz, hindi pa ito hinog para magkaroon ng sariling show, kung bakit sinugalan nila itong bigyan. Sila rin naman ang may kasalanan.