May 24, 2025
ABS-CBN YOUTUBE CHANNEL HITS 1 BILLION VIEWS
Uncategorized

ABS-CBN YOUTUBE CHANNEL HITS 1 BILLION VIEWS

Mar 19, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

wadasdas

Pumalo na sa 1 bilyong views ang YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment noong March 17. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang Filipino YouTube channel ay umabot sa one billion mark sa popular na video-sharing website.

Patok na patok sa netizens ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel (www.youtube.com/user/abscbnonline). Sa kasalukuyan ay may 1.6 milyong subscribers ito dahil sa natatangi at mabilis nitong updates sa mga programa o stars ng Kapamilya Network. Mapapanood din dito ang mga episode highlights, pinag-uusapang mga eksena, musical numbers, full trailers, at daily plugs.

Mas level up din ang experience dahil sa eklusibong videos mula sa “Kapamilya Chat” ng ABS-CBN.com at behind-the-scenes features sa set ng mga top-rating Kapamilya show. Sa ngayon, ang 2009 ABS-CBN Christmas station ID pa rin ang nananatiling pinaka-pinanonood na video sa naturang YouTube channel na may mahigit 11 milyong views. Mabenta rin sa netizens ang mga performance mula “ASAP” at “It’s Showtime.”

Isa ang ABS-CBN sa piling mga kumpanya sa mga bansa na may sertipikasyon mismo mula sa YouTube. Para mas lalo pang pag-ibayuhin ang pagba-browse ng Kapamilya netizens, maglulunsad ang ABS-CBN ng mga bago at orihinal na content sa iba’t iba nitong YouTube properties sa mga susunod na buwan. Kabilang din sa mga YouTube channel ng ABS-CBN ang ABS-CBN News (TheABSCBNNews), ABS-CBN Star Cinema (ABSStarCinema), ABS-CBN Sports (abscbnsports), at ABS-CBN Star Music (starrecordsinc), na kung pagsasamasamahin kasama ang ABS-CBN Entertainment ay pumapalo na sa mahigit 2 bilyong views.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply