
“I had accepted the fact that JM and I can’t be lovers because I had felt (back then when he was courting her) that he still feels something for Jessy.” – Meg Imperial
Natawa na lang si Meg Imperial nang kunan siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ng reaksyon sa pag-amin nina JM De Guzman at Jessy Mediola na nagkabalikan na sila.
“Alam ko na rin naman na ganoon ang kahihinatnan nun. Feeling ko na rin naman nun at saka they look good together naman nung makita ko ‘yung mga pictures nila together. Parang, kinikilig ako for them,” pahayag ni Meg nang maka-tsikahan namin siya sa anniversary celebration ng isang tabloid.
Pero nu’ng magsimulang lumabas ang tsismis na nagkabalikan ang dalawa, tumigil na din ba ang friendship nila ni JM?
“Hindi na kami masyadong nag-uusap kasi siyempre naman dati kasi may ano (ligawan), di ba? Siyempre pag nag-stop na ‘yun, na-lessen ‘yung ano… siguro nawalan lang ng communication pero we’re still friends,” sabi nito.
Anong reaction ng parents niya na ayon sa aming source ay boto sila kay JM? Balitang nagpaalam pa si JM sa ina ni Meg na manliligaw ito.
“Hindi naman masyadong nag-react si Mama. Parang hinayaan niya na lang na ako to deal with it. Kung okay sa akin, bakit naman siya (ina ni Meg) magre-react?,” pakli niya.
Hindi ba siya na-hurt?
“Bakit? Ha!ha!ha! Saan?,” pag-iwas niya sa tanong.
Ang nakarating na balita sa amin, muntik nang maging sila kung hindi nagkabalikan sina JM at Jessy.
“Hindi naman siguro mawawala ‘yun. Pero maaga kong tinanggap na hindi siguro talaga kami magwo-work together. Parang meron talagang nagugustuhan siyang iba,” pag-amin ni Meg.
Siya ba ‘yung tinutukoy ni JM sa ‘Gandang Gabi Vice’ nung sinabi nito na niligawan niya pero hindi siya sinagot?
“Hindi ko rin alam. Siguro. Baka po, I’m not sure,” sagot niya sabay tawa.
Paano kung i-deny ni JM na niligawan siya?
“Hindi naman niya siguro idi-deny, feeling ko. Parang dating stage na rin ‘yun, eh. At least nagpaalam lang,” sabi pa niya.
Na-trauma ba siya sa naging eksena nila ni JM?
“Hindi naman na-trauma. Siguro mas na-realize ko lang ngayon na i-prioritize na lang muna ‘yung career ko instead of ano, darating at darating din yun,” aniya pa.
Hindi pa raw ulit sila nagkikita ni JM after na umamin ito na nagkabalikan na sila ni Jessy.
“For sure naman magbabatian kami pag nagkita. Nag-stop naman siya (panliligaw) before na magkaroon sila ng communication again. Nagkausap naman kami before that. Hindi ko na sasabihin ang details. Pero hindi ko alam ‘yung details about them… hindi naman niya na-explain sa akin ‘yun eh. Nalaman ko na lang, pero it’s okay,” bulalas pa ni Meg.
Muntik na ba niyang minahal si JM?
“Ha! Ha! Ha! Nagkaroon ng attraction because he is very gentleman, mabait at respectful sa parents ko,” lahad pa ng dalaga.
Ano ang message niya sa dalawa?
“I’m happy for them kasi nung una pa lang na nagtanong siya, feeling ko on my part na ‘yung ganoong klaseng relationship ay hindi naman basta-basta makakalimutan. Nung bago pa lang kami, alam ko na hindi ganoon kalalim. I’m happy for them kasi friend ko naman si Jessy. Alam ko naman na mahirap yung pinagdaanan nilang dalawa. Sa pangalawang pagkakataon naman talaga, parang ‘magic’ naman na tipong wow! So sa akin, sana someday may darating din sa akin na guy na parang same thing din na kilig na nararamdaman ko for them,” dagdag pa niya.
Anyway, mapapanood pa rin si Meg sa Batch 3 ‘Lucky Stars’ ng ‘Kapamilya, Deal or No Deal’ hanggang first week of May. Nakagawa rin siya ng first horror movie niya with Direk Adolf Felix entitled ‘Chain Mail’ with AJ Muhlach, Shy Carlos, Prince Stefan at may special participation din dito si Nadine Lustre. Tuloy pa rin ang movie niyang ‘Ex With Benefits’ with Derek Ramsay at Coleen Garcia.