May 25, 2025
Acclaimed director Jerrold Tarog shares his film formula
Latest Articles

Acclaimed director Jerrold Tarog shares his film formula

May 5, 2017

Shocking at disturbing ang psychosexual thriller na “Bliss” na idinirehe ng magaling at award-winning director na si Jerrold Tarog na kilala sa kanyang Camera Trilogy na “Confessional,” “Mangatyanan” at “Sana Dati” at sa highest grossing Pinoy historical film of all time na “Heneral Luna.”

Ang nasabing pelikula ay nagwagi ng best performer award para sa lead actress nitong si Iza Calzado sa 2017 Osaka Film Festival.

bliss-still-1

Kontrobersyal ang pelikula dahil nabigyan ito ng X rating ng MTRCB dahil sa nudity, sexual acts, strong adult theme at language nito.

On second review, inaprub ito ng MTRCB with a rating of R-18 at approved without cuts.

May mga eksena ng masturbation at sexual molestation sa pelikula na hindi pa nagagawa sa local cinema.

Ayon pa kay Jerrold, naniniwala siya na may puwang ang ganitong klaseng pelikula sa ating local audience lalo na iyong mga tagapagtangkilik ng pelikulang Pilipino.

“Kung merong mga grupong konserbatibo, marami rin namang liberal na gustong mapanood ang ganitong klaseng pelikula,” ani Jerrold. “Pareho lang naman siya kung nanonood ka ng “Game of Thrones.” Confident ako na ready na ang audience natin sa ganitong pelikula,” dugtong niya.

Aminado rin si Jerrold na malaking impluwensiya sa kanyang craft ang mga director na sina Ingmar Bergman, Rob Reiner at maging si Christopher Nolan.

“Ilan kasi sa mga greatest influence ko sina Satoshi Kon, iyong Japanese director, and I think, maraming naka-recognize rin ng elements ng “Perfect Blue” at “Millenium Actress” doon sa pelikula,” lahad niya.

Pinili ni Jerrold na gawing backdrop ng kuwento ang showbusiness.

jerrold-tarog2

“Noon kasing nag-iisip kami ng ideas, naisip naming perfect story iyong tungkol sa actress na nababaliw. Tapos, pinaka-central iyong tema ng abuse o cycle of abuse. Masarap kasing gumawa ng karakter kung saan ipakikita mo ang iba’t-ibang forms of abuse kung saan iyong nang-aabuso o nang-o-oppress ay oppressed din at the same time. So, from sexual abuse, naging psychological siya,” paliwanag niya.

Bagamat may mga sundot tungkol sa lagay o sistema ng filmmaking sa bansa, hindi raw naman intensyon niyang tuligsain ito sa kanyang obra.

“We’re allowed to poke fun with ourselves naman,” hirit niya.

Halos lahat ng pelikula ni Jerrold ay siya ang sumusulat at mas kumportable siya sa ganitong setup. Kapag naman may kinumisyong ibang writer, kailangan niya itong i-rewrite.

“Doon kasi nagiging worth it para sa akin kapag nalalagyan mo ng sariling touch mo ang pelikula, so kailangan siyang i-rewrite,” paglilinaw niya.

Wala naman siyang balak gawan ng sequel o trilogy ang Bliss, tulad ng kanyang Camera Trilogy.

“Nakakapagod kasi siyang gawin, so okay na ako sa isa,” pakli niya.

May mga offer si Direk Jerrold na gumawa ng teleserye pero sa palagay niya ay hindi pa siya handa rito.

“Meron kasi akong sariling sistema, na hindi ko alam kung maia-apply ko. Ayoko kasing sayangin ang oras ng producers ko kung hindi kami magiging masaya sa isa’t-isa,” sambit niya. “Pero, open naman ako sa TV at sa ibang projects, tulad noong sa Regal,pero depende pa rin kung gusto ko iyong materyal o gusto ko siyang gawin,” pahabol niya.

bliss-still-4

Bukod kay Iza, tampok din sa “Bliss” sina Ian Veneracion, TJ Trinidad, Adrienne Vergara, Michael de Mesa, Shamaine Buencamino, Audie Gemora at Stephanie Sol.

Mula sa TBA Films, ang uncut at uncensored version ng “Bliss” ay mapapanood na sa mga piling sinehan simula sa Mayo 10.

Leave a comment