May 23, 2025
Action Lady Kaye Dacer explains why she has to leave DZMM; actor Aljur Abrenica owes her P1.3M
Latest Articles

Action Lady Kaye Dacer explains why she has to leave DZMM; actor Aljur Abrenica owes her P1.3M

Mar 26, 2017

Nagkaroon ng presscon noong Wednesday ang tinaguriang Action Lady of Philippine Broadcasting na si Kaye Dacer para i-announce na wala na siya sa DZMM at lumipat na siya sa DZRJ 810AM, ang radio station ng 8Trimedia Pro, Inc, na siya ang president.  Ipinaliwanag ni Ms. Kaye na kailangan niyang umalis sa DZMM dahil sa conflict of interest, na nagmamay-ari na rin siya ngayon ng isang broadcasting network.

Napag-usapan din sa presscon ang balanse pa sa kanya ni Aljur Abrenica na 1.3 million sa binili nitong bahay sa kanya na hanggang ngayon na limang taon na ang nakakaraan ay hindi pa rin siya binabayaran ng actor.

Aminado naman si Ms. Kaye na masama ang loob niya kay Aljur sa hindi nito pagkakabayad ng utang sa kanya

“Alam ninyo, medyo sumama ang loob ko roon kasi nagbenta ako  ng bahay na pinaghirapan ko, na mula sa pawis ko. Hindi ko akalain na  binenta ko  nang palugi ang bahay ko , may mga bagay pa akong naririnig na hindi maganda. Hindi pa ako nabayaran in full. So, nakakasama talaga ng loob,” sabi ni Kaye

Wala naman daw plano na idimanda ni Ms. Kaye si Aljur kahit pa hindi na nga hindi na ito nagpaparamdam sa kanya para mabayaran siya.

“Wala naman akong plano na maghabla kasi pera lang ‘yan pero sana ‘yung respeto na maibigay sa ‘yo ng tao, kung sakaling wala pa, eh makipag-communicate,” aniya pa.

Bukas ang psr.ph para sa panig ni Aljur.

**********

Maganda ang relasyon ngayon nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, pero bilang magkaibigan na lang.

Photo from: iweb.ph
Photo from: iweb.ph

Walang balikang nangyari sa kanila kahit madalas silang makitang magkasama ngayon, na ang huli ay nung nagpunta si Lloydie sa bahay ni Angelica.

Photo from: iweb.ph
Photo from: iweb.ph

Inimbitahan kasi siya ni Angelica noong ipinaghanda nito si Julia Montes sa kanyang bahay para ipagdiwang ang kaarawan ni Julia.

Single pa rin hanggang ngayon sina Angelica at Lloydie. Kung ganyang napanatili nilang maging magkaibigan at madalas pa rin silang nakikitang magkasama, hindi kaya magka-develop-an ulit sila at muling magabalikan?  ‘Yan ang ating aabangan.

Leave a comment